Emotional para kay Ruffa Gutierrez ang isang linggong nagdaan sa buhay niya. Marami kasi ang naganap sa pagdating ng estranged Turkish husband niya na si Yilmaz Bektas last Thursday, April 3.
"Yeah, it has been a very emotional week for me," umpisa ni Ruffa nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dressing room niya pagkatapos ng The Buzz.
Alam ba niya beforehand ang plano ni Yilmaz na pagbabalik sa Pilipinas?
"He told me that he'll gonna come here," sagot ng actress-TV host. "Ang sabi niya, ‘I missed my kids. I want to spend 24 hours with them. Ayoko ng interview. Ayoko ng press. Gusto ko private lang and I just want to spend quality time with them.'
"Sabi ko naman, ‘Yilmaz, you know you're more than welcome. Anytime na gusto mong dumalaw sa mga anak mo, dumalaw ka.' Gusto ko naman magkaroon ng magandang samahan, magandang relationship ang mga bata kay Yilmaz. Kasi ayoko naman them growing up thinking their father doesn't love them or wala na yung respeto sa kanilang dalawa. Kung auman ang problema namin ni Yilmaz, hindi ko isinasali ang mga anak namin," lahad niya.
Natuwa ba sina Lorin at Venice nang makita nila ang kanilang "Baba Yilmaz"?
"Ay, super excited!" bulalas ni Ruffa. "I mean, talagang... One time si Yilmaz, naghiwalay lang kami ng car, talagang umiyak na nang umiyak [yung mga bata]. ‘Baba! Baba!' And ako naman, talagang they really missed their dad. Ayoko namang tanggalin ang pagkakataon na yun. Gusto ko naman na maging close sila ng daddy nila, and happy naman yung mga bagets kaya happy na rin ako. Kasi yun naman ang importante, di ba? We're doing everything that we possibly can for the kids."
Kailan sila nagkita at nagkausap ni Yilmaz?
"Actually, when he arrived, hindi kami nagkita," kuwento ni Ruffa. "Nagkita na lang kami the day after and nag-lunch kami. ‘Tapos marami naman ang naging pagkikita namin. Naging maayos naman.
"I hope that we both remain peaceful. Sana wala na yung masasakit na salita. Sana puro magagandang salita na lang, and sana isipin na lang namin na meron kaming dalawang napaka-cute na bagets na kailangan naming maging maayos ang relationship namin kahit hindi kami magkasundo. Kailangan ang focus namin sa dalawang bata.
"Ang usapan namin the other night is more of...nandiyan na yung nag-hug kami, nag-iyakan kami, gusto ko yung ganun. Ayoko nung magkagalit kami ni Yilmaz. Ayoko nung maaanghang pa rin ang sinasabi about each other. He's the father of my kids and even then, minahal din namin ang isa't isa. And up to now, we still love each other so we just know na mahirap for us to live in just one roof."
ANNABELLE'S STATEMENT. Ano ang masasabi niya sa mga pahayag ng mommy niya na si Annabelle Rama sa The Buzz last Sunday tungkol kay Yilmaz? Feeling winner daw si Annabelle dahil nakakuha na ng bagong pag-ibig si Yilmaz, na ang tinutukoy ay ang 2006 Miss Universe na si Zuleyka Rivera Mendoza.
"Actually, nakita ko naman kay Mommy, medyo lumambot na ang puso niya," sabi ni Ruffa. "Kasi nung nagkasakit si Yilmaz the next day, the day after he arrived nagkaroon siya ng lagnat. Siguro naglakad siya or hindi siya sanay sa weather natin.
"Naku, concerned siya [Annabelle]. ‘Sige, sige ‘Day, padala ka ng Advil kay Yilmaz. Kawawa naman.' Talagang concern siya sa kung ano ang gagamiting sasakyan ni Yilmaz. Even though nakikita ko sa kanya parang, ‘O, kinikilig-kilig ka naman diyan, ‘Day. Parang nagtwi-twinkle pa rin ang mata mo?' Protective pa rin siya. But at the same time, ‘Padala mo yung Advil.'
"Lumalambot na ang puso niya, especially nung sinabi ko na nakausap ng mommy ni Yilmaz yung mga anak ko, sina Lorin and Venice. Naiyak yung mommy ni Yilmaz sa phone. So, bilang lola siguro, naramdaman din niya kung ano ang nararamdaman ng mommy ni Yilmaz. ‘Ay, kawawa naman,' sabi niya."




