Dagdag pa ni Piolo, hindi nga raw maalis sa isip niya ang babaeng ito na ka-church niya't kakikilala niya lang kahapon.
"Hanggang pag-uwi ko, pagtulog...hanggang ngayon iniisip ko siya."
"Sabi ko dun sa common friend namin, hook us up for at least a dinner so we can get to know each other more. Hindi ko naman agad ipu-pursue na mag-court sa kanya right away. At least, get to know the person first, ‘di ba?"
Ito na kaya ang babaeng hinihintay niya? Ito na kaya ang babaeng papakasalan niya?
"My doors are open. I know naman God is preparing someone best for me, and I believe in destiny. I believe that after so many years... I've waited, I deserve naman someone na talagang para sa akin.
"And I wouldn't wanna...parang, just try it out. Just for the sake of being with someone. Because, you know, I didn't wait this long just to fail. So, in few years time, I'll be able to settle down and have a different life," paliwanag ni Piolo na ang tinutukoy ay ang tuluyan nang paglagay sa tahimik o pag-aasawa.
Bago kami magtapos ng pag-uusap, nagbigay pa ng target age si Piolo kung kailan niya balak mag-asawa.
"In a few years. Hopefully, before I turn 35. I'm 31 now, so, within four years."




