Asia's Songbird Regine Velasquez will have Mark Anthony Fernandez (inset, top) and Wendell Ramos (inset, bottom) as leading men in the Philippine adaptation of the Koreanovela My Name Is Kim Sam Soon.
FIRST READ ON PEP: Regine Velasquez's leading men in "Kim Sam Soon" revealed
Monday, April 14, 2008
01:11 PM
Finally, nakakuha na ang GMA-7 ng dalawang makakatambal ni Regine Velasquez para sa Philippine adaptation ng Koreanovela na My Name is Kim Sam Soon. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na sina Mark Anthony Fernandez at Wendell Ramos ang napili ng Kapuso network na makasama ni Regine sa naturang romantic-comedy series.
Sa pakikipag-usap ng PEP sa isang taong malapit kina Mark at Wendell, binigyan na kami ng go-signal na isulat ang mga makakapareha ni Regine sa Kim Sam Soon dahil sigurado na raw ito. Medyo natagalan sila sa pagpili ng makakasama ni Regine dahil sa story, 10 years younger sa kanya ang bidang lalaki, plus busy rin ang mga male talents ng GMA-7 sa iba't ibang shows.
Sa May 1 na raw ang simula ng taping ng Kim Sam Soon at ang mga direktor nito ay sina Dominic Zapata at Khryss Adalia.
Si Mark ang gaganap na Cyrus, young boss ni Kim Sam Soon sa patisserie na pinapasukan niya at mai-in love sa kanya. Si Wendell naman will play the role of the doctor, si Danny, na manliligaw rin kay Kim Sam Soon.
For her role, matagal nang nag-aaral ng pagluluto at baking cakes and pastries si Regine.
Tamang-tama ang schedule nila dahil tapos na ni Regine by that time ang taping ng kanyang birthday special na mapapanood sa Sunday, April 27, sa GMA-7. Si Mark ay matatapos na rin ang taping this week para sa Kamandag, na ang final episode ay ipalalabas sa April 25. Si Wendell naman ay once a week lang nagte-taping ng Tasya Fantasya, ang weekly fantasy series na pinagbibidahan ni Yasmien Kurdi.
Tiyak na magdo-double time sila sa taping dahil paalis si Regine sa third week of May para sa series of concerts niya sa iba't ibang bars and casinos sa Las Vegas. Sa first week of June na ang balik niya sa Pilipinas.
Kaugnay nito, malabo namang matuloy ang shooting ng Love is Deaf...and Blind nina Regine at Ogie Alcasid na co-production venture ng GMA Films at Viva Films. Naka-schedule din sana ito sa June.
Nakausap ng PEP si Veronique del Rosario-Corpus ng Viva Films sa presscon ng When Love Begins ng Star Cinema at Viva Films. Ayon sa kanya, nahihirapan daw silang mag-schedule dahil parehong busy ang magkasintahan.
Bukod sa abala raw sa taping si Regine ng kanyang birthday special, magsisimula na rin siyang mag-taping ng My Name is Kim Sam Soon at may shows pa siya sa Las Vegas sa last week of May.
Ganoon din naman si Ogie, na busy na rin sa pagte-taping ng kanyang bagong game show sa GMA-7, ang Da Big Show, at bilang isa sa mga judge ng Pinoy Idol. Once kasing natapos na ang pagpapakita ng mga auditions, live na sila twice a week.
Ang isa pang pinagkakaabalahan ni Ogie ay ang nalalapit niyang 20/20 concert, na magsisilbing celebration na rin ng kanyang 20th anniversary sa show business, sa Araneta Coliseum. Bukod kasi sa pagiging hands-on ni Ogie sa pagpili ng repertoire niya, siya pa rin ang personal na kumakausap sa 20 guests niya.
Hindi masyadong mahihirapan si Ogie pagdating sa Kapuso stars, ang pagkausap sa mga singers ng ABS-CBN ang pinuproblema niya. So far, si Gary Valenciano pa lang daw ang pumayag na mag-guest sa concert niya sa September.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 8): Four new shows make strong impact on the ratings game HOT
- Bing Loyzaga dismisses malicious rumor linking her to Jake Cuenca
- Richard Gutierrez and PEP finally find peace HOT
- Angelica Panganiban wants to settle down with boyfriend Derek Ramsay someday
- Sam Milby has separate projects with Anne Curtis and Maja Salvador
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top HOT
-
Music
MYMP opens new chapter with pre-Valentine concert on February 12
Expect surprises and new numbers from the new MYMP.
-
Indie
Mon Confiado plays gay psychotic killer in Pilantik
This suspense thriller was supposed to be topbilled by Bb Gandanghari.
-
Television
The PBB Double Up Big Five will face a series of "Big Events" this week
These events will help viewers determine the Big Winner this season.
-
Babies and Kids
KC Concepcion says movie with her dad Gabby has go-signal from mom Sharon
KC cancels out-of-the-country appointment to attend her Tita Ciara Sotto's wedding.
Most Popular
- Sharon Cuneta on her adopted son: "I think yung nag-iba lang, hindi siya lumabas sa akin. But I chose to be his mother."
- Shaina Magdayao speaks up about her split with John Prats
- Pokwang answers some issues about Wowowee
- Jolina Magdangal revamps herself with new look; changes manager
- Piolo Pascual admits KC Concepcion is part of his birthday wish
- PEP EXCLUSIVE: PART I Marlene Aguilar narrates the "violent environment" her son Jason Ivler grew up in
- Maricel Soriano returns from hibernation after her mother's death
- PEP EXCLUSIVE: Part III Marlene Aguilar: "Jason's fan club will change the world."
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top
- Bayani Agbayani is thankful to GMA-7 for opening its door to him again
Advertisement


