Halata raw ba siyang bagong gising, tanong muna ni Anne Curtis sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang dumating na sa office ng Viva Films sa 6th floor ng Tektite Bldg., sa Exchange Road, Pasig City. Panay ang sorry pa ni Anne dahil late nga siya for her pocket interview kahapon, April 17, set by Viva Artist Agency, ang nagma-manage sa kanya.
Umaga na raw kasi natapos ang shooting nila ni Aga Muhlach under Joey Reyes ng When Love Begins na co-production ng Viva with Star Cinema, kaya late na rin siya nagising for her interview. Nais agad namin makuha ang update sa shooting nila, particularly sa love scene nila ni Aga. So, tapos na nga ba kunan ang scene na ito?
"Hindi pa po. Either Friday or Saturday, sa last shooting day namin," natatawang sagot ni Anne. "Mukhang pinaghahanda po akong mabuti ni Direk Joey. But he's very supportive naman sa akin tuwing may shooting kami. Alam niyang pinaghahandaan kong mabuti bawat eksenang gagawin ko.
"Hindi po ako dumarating sa set na hindi ko alam ang gagawin ko at kung paano ko idi-deliver ang lines. Kasi ang character ko, ako iyong aggressive. Ayoko po kasing mapahiya kay Aga, na after 10 years na gusto ko siyang makatambal, ngayon lang natupad iyon. At kay Direk Joey rin, ayoko rin pong mapahiya. Iyon nga lang, kapag magti-take na kami, kinakabahan na ako.
"Maririnig ko na lang, ‘just relax' from Direk Joey at ‘kaya mo 'yan' from Aga.
"And Direk Joey gave me the freedom to do what I want, kaya I'm very thankful to him. So, hindi ba nakakahiya naman sa kanila kung palpak ang gagawin ko sa mga eksena kung hindi ako handa?"
Pabirong tinanong ng PEP si Anne kung nakailang take ba sila ni Aga sa kissing scene. Knowing na sa isang pelikula, mabusisi ang pagkuha sa iba't ibang anggulo ng isang eksena, lalo na kung "intimate scenes."
"Iyong first kiss namin, one take lang iyon. Several takes po iyong kissing scene namin na nahulog kami sa coach," sagot naman ni Anne.
AGE DOESN'T MATTER. May nagtanong kay Anne kung sa tunay na buhay ba will she fall for a man like Aga na ang laki ng age gap nila.
"For me, age doesn't matter. My dad and mom, 17 years ang age difference nila [na tinanong pa ni Anne ang daddy niya na kasama niya that afternoon], me and Aga, 15 years ang age gap namin.
"Okey lang sa akin iyon kung binata siya. Sana not a widower with kids. Sa akin kasi, mas maganda kung older sa iyo ang guy, kasi tiyak na aalagaan ka niya, pagpapasensiyahan ka niya," natatawang dugtong ni Anne.
Sila ba ni Sam Milby, ano ang age difference nila?
"Sam will turn 24 on May 23. Ako naman, I just celebrated my 23rd birthday last February 17."
DYOSA VS. DYESEBEL? After When Love Begins, magiging very busy na si Anne sa bago niyang fantaserye sa ABS-CBN na ididirek ni Wenn Deramas, ang Dyosa. Excited na raw siya dahil she will play an 18-year-old girl na mula raw sa angkan nina Mariang Sinukuan at Bernardo Carpio and destined to rule the world of the upper gods.
Pero sa istorya ng Dyosa, kailangan niyang mamili, sundin ang kanyang destiny o kalimutan ang lalaking mahal niya played by Sam Milby.
Nagkaroon na raw siya ng shoot para sa teaser nito at usap-usapang nag-nude daw siya para sa shoot na iyon?
"Hindi naman ako nude," nakangiting tanggi ni Anne na halatang ayaw munang magkuwento tungkol sa shoot na iyon. "True na nagsimula na akong mag-workshop kasi marami po akong mahihirap na gagawin. May action scenes din kasi ako."
May nang-intriga na kay Anne na baka may mga mainggit o magalit sa kanyang talents din ng ABS-CBN dahil sa ganda ng bagong project niya. At kung alam din ba niyang ang Dyosa ang itatapat ng Dos sa Dyesebel ng Siyete?
"Yes, I'm pressured, but excited sa bago kong project. Pero wala naman sigurong magagalit sa akin, hindi ko po ito hiningi, ibinigay ito sa akin.
"No, it's not true na makakatapat namin ang Dyesebel kasi ang alam ko, malapit na ang pilot nila. Kami, magsisimula pa lang ng taping sa May 1, and by July pa raw ang airing namin."
DREAMS TO BE DYESEBEL. Hindi ba siya nanghinayang sa Dyesebel? Nabalita kasi noon na in-offer pala sa kanya ang role?
"Dream role ko po talaga ang Dyesebel ever since pa, kaya lang nang i-offer sa manager ko, kay Tita Veronique del Rosario-Corpus, may ongoing contract pa ako sa ABS-CBN and just recently, katatapos ko lang po mag-renew ng another year of contract sa kanila."
After ng Dyosa, iri-resume na rin ni Anne ang taping ng almost shelved na project niya sa ABS-CBN na The Wedding. Ipinasya kasi noon ng Dos na itigil na muna ang pagte-tape para sana sa unang pagtatambal nina Anne at ni Zanjo Marudo.
"Pinanood po kasi namin iyong mga natapos na naming scenes at hindi naman pala malayo ang looks namin ngayon doon sa mga na-tape noon, kaya po nag-decide ang ABS-CBN na ituloy na rin ang taping."