| Register

Kim Chiu excited over her 18th birthday celebration


 
"Hiling ko na super-special, na sana magparamdam man lang sa akin yung nanay ko. Kahit konti lang, kahit slight lang," says Kim Chiu about her special wish for her coming debut.

Kim Chiu excited over her 18th birthday celebration

Julie Bonifacio

Rating

  • Bookmark and Share


Excited na ang kauna-unahang Pinoy Big Brother Teen Edition big winner na si Kim Chiu sa kanyang bonggang 18th birthday celebration sa April 26, sa The Glass House sa Pasig City. Ang actual birthday ni Kim ay sa Sabado, April 19.

 

Tatlong gown ang nakalinyang isusuot ni Kim na gawa ng designer na si Francis Libiran. Isa para sa grand entrance niya, isa para sa sayaw, at yung pangatlo ay para sa party. Ang ka-love team at kasamahan dati sa PBB na si Gerald Anderson ang escort ni Kim sa kanyang debut party.

 

May inihanda na bang regalo si Gerald sa kanya?

 

"Hindi naman mahilig sa gift ang taong yun kung walang special occasion. Ewan ko , wala siyang sinasabi. Hindi ko nga alam kung naaalala niya ang birthday ko," may himig-tampong sagot ni Kim sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

 

Last Sunday sa ASAP '08, binigyan si Kim ng special 18th birthday celebration kung saan kabilang sa mga nagsayaw sa kanya ang kanyang ama.

 

"Opo, nagulat ako nung sumayaw siya. Kaya lang naputulan siya kasi ‘tapos na ang kanta."

 

Alam daw ni Kim na darating ang papa niya sa ASAP '08.

 

"Nakakatuwa kasi yung costume a la Mano Po raw. Sabi niya, ‘Ano yung susuutin ko? Yung sumbrebro na may mahabang buhok?' Magwi-wig daw siya. Sabi ko, ‘Huwag na, yung simple lang.' Pero hindi ko maisip na sasayaw siya sa ASAP," natatawang kuwento pa ng dalagang Cebuana.

 

WISHING FOR MAMA'S RETURN. Meron ba siyang special wish sa kanyang 18th birthday?

 

"Hiling ko na super-special, na sana magparamdam man lang sa akin yung nanay ko. Kahit konti lang, kahit slight lang."

 

Anong gagawin niya kapag dumating ang mama niya sa debut niya?

 

"E, siyempre yayakapin ko siya. ‘Tsaka ano, nakakagulat kasi ang tagal-tagal na. Nine years old pa lang ako nung iwan niya ako. Ngayon, 19 na ako. Kaya ‘ayun."

 

Nami-miss din niya ang kanyang mama?

 

"Oo naman, syempre. Kahit sino naman nami-miss ang sariling ina."

 

Magiging masaya raw si Kim kahit isang araw na mabuo ang kanyang pamilya lalo na sa kanyang birthday.

 

"Imposible kasi siyang mangyari, e. Kaya kung mangyayari man yun, siyempre magpapasalamat ako kay God. Sobrang suwertre ko siguro sa birthday kong yun. Yun ang birthday ko na hindi ko malilimutan."

 

Bakit niya nasabing imposibleng mangyari? Gaano ba kalayo ang mama niya?

 

"Hindi ko alam. Wala kaming alam kung nasaan siya, kung ano ang ginagawa niya."

 

Pero sigurado ba siya na buhay pa ang mama niya?

 

"Ewan ko. Hindi ko rin alam," unsure na sagot ni Kim.

 



Pages: 1  2  3  Next »


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share Email this link
Show/Hide
Comments
64 Comments
page    1    2   
pagelocation: news

Advertisement