Ano nga ba ang nangyari sa pag-uwi niyang muli sa Cebu?
"Ah, nung pagdating ko, pumunta kami agad doon sa store [tindahan ng lola niya]. Pinakita yung sinasakyan ko, kung anong number ng jeep papunta doon. ‘Tsaka ano, kung saan ako lagi naglalakad, sa may school. Ano ang ginagawa namin ng mga classmates ko," kuwento pa ni Kim sa kung ano ang mga kinunan para sa kanyang TV special.
"Pagkatapos ng klase nagba-basketball kami lagi ng mga classmates ko, ‘ayun. Marami, maraming-marami," tukoy ni Kim tungkol sa kanyang fun memories nung nag-aaral pa siya noon sa Cebu before PBB Teen Edition happened. "Na-miss ko nga ang Cebu. Ang dami nang nagbago. May mga stores na sa Fuente. Nawala na yung dating kinakainan namin ng mga kaklase ko."
PREVENTING PREGNANCY. Sa edad ni Kim ngayon, may mga kabataan nang nabubuntis. Ano ang gagawin niya kapag nangyari sa kanya ang ganun? Ano ang gagawin niya para hindi siya mabuntis agad tulad ng iba?
"Ah, unang-una, nasa isip ko na yun. Ang dami ko nang napapanood sa TV ngayon na nabubuntis. Pero ako, ayoko. Priority ko kasi ang pamilya ko.
"Kung mabuntis ako mawawalan na kami ng kabuhayan. Kasi itong showbiz lang talaga yung kinakapitan namin. Ako kasi yung breadwinner ng pamilya ko. Kapag nabuntis ako siyempre wala na. Wala nang career, wala na lahat. Saan na mapupunta ang mga kapatid ko?
"Kaya yung love life, huwag muna yun. Darating naman yung time na magkaka-baby. Magpapakasal muna, ganyan."
WHAT TO EXPECT ON HER DEBUT PARTY. Ano naman ang magaganap sa kanyang
debut on April 26?
"Ito ang unang-unang modern debut na gagawin. Hindi na siya old style na debut na may 18 roses. Naka-gown kami pero nakausot kami ng rubber shoes."
Si Kim daw mismo ang gumawa ng listahan ng mga iimbitahin. Siya ang namili kung sino ang kanyang iimbitahin. Pati ba sa cotillion ay siya rin ang namili na makakasama?
"Ako rin po. Sina Olyn [Meimban], sina Brenda [Fox], si Cathy Gonzaga, si Regine [Angeles], si Wendy [Valdez)], si Carla [Humphries], si Melissa [Ricks], si Erich [Gonzales], marami sila. Sa mga lalaki naman sina Jason [Abalos], si Rodjun [Cruz], mga PBB na kasamahan ko, marami. Ano, nakaka-touch nga kasi ginagawa nila ‘yon for the love lang."
What about her friends sa Cebu?
"Yung iba darating, yung iba hindi," pagtatapos ni Kim.




