PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diether Ocampo denies dating a socialite, prioritizes foundation and work

Diether and his Kids Foundation just finished their feeding program in Camarines Sur.
by Julie E. Bonifacio
Published Apr 18, 2008
"Maganda naman ang nangyayari sa amin pareho... Marami kaming mga bagong proyekto na ginagawa for ABS-CBN. Kung may chance na maging kami ulit? Hindi ko muna binibigyang prayoridad yun ngayon. Ang importante, may magawa tayong magagandang bagay, nakakapagpasaya tayo ng mga tao, marami tayong natutulungan lalo na sa ating mga kabataan," says Diether Ocampo when asked about ex-wife Kristine Hermosa.

Kapansin-pansin ang kakaibang glow sa mga mata ni Diether Ocampo sa press conference ng pinakabago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Maligno. May kinalaman kaya ito sa nababalitang may isang socialite na regular na date ngayon ni Diether?

"No," sagot agad ni Diet. "To be honest, marami akong mga bagong nakikilala, mga bagong kaibigan. May mga nakakahulibilo ako na socialites pero mga kaibigan lang. Pero yung sinasabi na may dini-date ako, wala pa," pagtatapat ni Diet sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Napagkasunduan ba nila ni Kristine na magkanya-kanya na muna sila ng date ngayon?

"Hihintayin ko na lang kung mangyayari yun. But right now, medyo mas abala na ako ngayon sa paggawa ng mga proyekto para sa Kids Foundation. Kagagaling ko lang sa Camarines Sur. May feeding program kami. Nalaman kasi namin na ang Camarines ang isa sa mga may pinakamataas na poverty rate. [We went there] to implement our project, yung Red Under Nutrition."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkasama pa rin ba sila ni Kristine sa Kids Foundation?

"Busy kasi siya kaya hindi namin siya nakakasama sa proyekto. Pero nung initial stage kasama namin siya. Pero gustuhin man niya, hindi niya mapagkasya ang oras niya dahil sa trabaho niya."

Ano ang status ng relasyon nila ngayon ni Kristine? Pareho pa rin ng dati?

"Sa ngayon kasi hindi ko na muna iniisip yun, e. Medyo malayo ang isip ko diyan ngayon. Maganda naman ang nangyayari sa amin pareho. Magaganda ang trabaho namin. Marami kaming mga bagong proyekto na ginagawa for ABS-CBN.

"Kung may chance na maging kami ulit? Wala naman akong nababanggit na ganun sa kanya kasi hindi ko muna binibigyang prayoridad yun ngayon. Ang importante, may magawa tayong magagandang bagay, nakakapagpasaya tayo ng mga tao, marami tayong natutulungan lalo na sa ating mga kabataan."

Kamakailan lang ay nakitang magkasama sa Boracay sina Diether at Kristine.

"Yun nga, hindi ko naman itinatanggi yun. Ang dahilan po ng pagsasama namin doon ay para sa isang proyekto. Gumawa kami ng photo shoot."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon ba ng chance na madugtungan ang dati nilang relasyon?

"Maganda naman yung naganap na pagsasama namin doon. Naging productive ang trabaho namin."

Naging masaya ba sila during the time na magkasama sila ni Kristine sa photo shoot?

"Hmmm...sandali lang kami. Pagod din kasi. Puro trabaho kami pareho," pagtatapos ni Diether.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Maganda naman ang nangyayari sa amin pareho... Marami kaming mga bagong proyekto na ginagawa for ABS-CBN. Kung may chance na maging kami ulit? Hindi ko muna binibigyang prayoridad yun ngayon. Ang importante, may magawa tayong magagandang bagay, nakakapagpasaya tayo ng mga tao, marami tayong natutulungan lalo na sa ating mga kabataan," says Diether Ocampo when asked about ex-wife Kristine Hermosa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results