PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Teri Onor adjusts showbiz career to job as Abucay vice-mayor

Teri filed case against Korean who owes him P12 million.
by Rose Garcia
Published Apr 26, 2008
"Nakakapag-adjust na ‘ko, nae-enjoy ko na siya. At nakikita ko na hindi lang siya vice-mayor. Baka umakyat-akyat pa tayo ng konti," says Teri Onor about his job as Abucay vice-mayor.

Mag-iisang taon na mula nang manalo bilang vice-mayor ng Abucay, Bataan, ang comedian na si Teri Onor. Ito ang main reason kung bakit for a while ay hindi siya naging visible sa telebisyon.

Pero muli ngang mapapanood si Teri sa Dyesebel. Ang character niyang si Akirang, isang evil seahorse, ang isa sa mga idinagdag na bagong tauhan sa istoryang hango sa classic komiks ni Mars Ravelo.

NO CONFLICT. Ayon kay Teri nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), ang pagbabalik-showbiz niya at pagtanggap ng isang primetime show ay hindi naman in conflict sa tungkulin niya bilang bise-alkalde ng Abucay.

"Wala namang conflict. Basta huwag lang namang tatamaan yung session na Monday, which is every 3 p.m. Then, after ng session, puwede naman akong bumalik. Although, most of the time talaga, nasa Bataan ako. Parang hands-on. Gusto ko na nakikita ko ang problema, paano sosolusyunan. Mahirap din kasi yung over the phone lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa ni Teri, nakapag-adjust na raw siya sa buhay-pulitika at nae-enjoy na rin daw niya ang tungkulin niya.

"Nakakapag-adjust na ‘ko, nae-enjoy ko na siya. At nakikita ko na hindi lang siya vice-mayor, baka umakyat-akyat pa tayo ng konti." Hindi na rin daw bago sa kanya ang politics since ang lolo raw niya ay dati ring mayor.

Masaya naman si Teri na sa pagbabalik-showbiz niya. His first regular show ay pang-primetime pa at sa isang malaking fantaserye na tulad ng Dyesebel. Wish lang niya na sana, huwag naman daw magalit sa kanya ang mga bata.

"Medyo nasa bad side kasi ako ngayon. Pero funny-evil naman. Parang taga-sulsol. Medyo mahirap kasi, maliit lang talaga ‘ko rito na palagi akong nasa balikat ni Dyangga [played by Mylene Dizon]. So, naka-harness ako palagi rito."

CAN'T GO BACK TO BULAGA. Masasabing sa noontime show na Eat...Bulaga! mas nakilala si Teri. Nang magsimula na nga ang election campaign last year, he had no choice but to leave the show. When asked kung babalikan ba niya ang Eat...Bulaga!, maagap ang naging sagot niya na hindi pa raw siguro posible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mahirap kasi, e. If ever, I have to leave every day ng 9 a.m. sa Bataan. Critical ang time. ‘Tapos, 2:30 halos natatapos ang show, so, pagbalik ko ng Bataan, wala na ‘kong aabutan. Isang oras lang halos ang ipapasok ko. So, mahirap...baka masilipan lang ako na napapabayaan ko ang trabaho ko. So, ito na muna para hindi masyadong taxing."

Naging pagkakataon na rin ng PEP 'yon para maitanong kay Teri kung totoo ang isang tsismis: Kaya raw hindi na siya makabalik sa Eat...Bulaga! ay nagkaroon siya ng utang sa kasamahan niya sa show na si Jimmy Santos at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nababayaran.

Itinanggi naman ni Teri ang tsismis na ito.

"Wala. That's not true. Noong nawala naman ako sa Eat...Bulaga!, standard na yun na kapag nangangampanya, bawal talagang makita sa telebisyon. Kaya naman hindi na ‘ko makabalik, mahihirapan talaga ‘ko sa oras.

"And with Jimmy naman, madalas pa rin kaming nagkakasama. Minsan nasa Bataan siya. Kahit noong campaign, nagkakasama rin kami. So, that's not true."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DEBT CASE. Kung tutuusin nga raw ay sa kanya pa may utang ang ibang tao dahil sa isang investment na sinamahan niya. Teri informed PEP na lumabas na ang resolusyon ng Department of Justice at ipinasa sa Regional Trial Court (RTC) ng Pasig ang kasong isinampa niya laban sa isang Korean national. Nag-issue naman ang Pasig RTC ng warrant of arrest para sa Korean na "alias Cynthia Camacho."

Twelve million pesos ang utang sa kanya ng Koreanang may Filipino alias dahil nakapag-asawa daw ito ng isang Pinoy.

"Actually, 25 million yun, pero 12 million lang yung sa akin. Yung 13 million sa ibang mga tao pa. Nagkataon lang kasi na ako yung kilala. Pero sa ngayon, inaayos na naman. Nakikipag-usap sila kung paano babayaran, hindi nga lang siguro buo.

"Sana makuha...kasi, naka-process naman siya ng legal at may kaso. Sa ngayon, ayoko munang sabihin kung paano nila ‘ko mababayaran kasi masyadong sensitive."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Teri Onor, Dyesebel
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nakakapag-adjust na ‘ko, nae-enjoy ko na siya. At nakikita ko na hindi lang siya vice-mayor. Baka umakyat-akyat pa tayo ng konti," says Teri Onor about his job as Abucay vice-mayor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results