PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gabby Concepcion returns to acting as a taxi driver in "Maalaala Mo Kaya"

Gabby is also about to start taping for his teleserye with Claudine Barretto.
by Roldan Castro
Published Apr 29, 2008
"Ang hahanapin kasi ng tao sa akin, 'What's new with Gabby Concepcion?' Yung mga roles na ginagawa ko noon ay iniiwasan ko dahil nagawa ko na ito," says Gabby Concepcion about his role in a special episode of Maalaala Mo Kaya.

Mag-iisang buwan na mula nang bumalik sa Pilipinas ang '80s matinee idol na si Gabby Concepcion. At sa Friday, May 2, ay mapapanood na ang first acting job niya after 13 years sa isang special episode ng drama anthology ng ABS-CBN, ang Maalaala Mo Kaya.

Gaganap si Gabby rito bilang taxi driver at makakasama niya sina Tirso Cruz III, Rio Locsin, at Ana Capri.

"Binigyan nila ako ng tatlong script, pero ito ang napili ko. Well, meron kasing lesson ito. Ang hahanapin kasi ng tao sa akin, 'What's new with Gabby Concepcion?' Yung mga roles na ginagawa ko noon ay iniiwasan ko dahil nagawa ko na ito. Itong sa MMK, hindi ko pa nagagawa. Ito ang mga hinahanap ko, mga sympathetic role," lahad ni Gabby nang dalawin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Maalaala Mo Kaya sa Antipolo.

Napapansin ng ilan, parang ang guwapo naman yatang taxi driver ni Gabby. Ano ang reaksiyon ng aktor dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Iba naman kasi ito dahil kung paano ka tinatrato. Yung usual role kasi, yung may asawa ka, may kabit ka, away na kayo. Ganoon ang mga tipikal, e. Kakaiba ito," paliwanag niya.

Nag-e-expect ba si Gabby na magka-award sa episode na ito ng Maalaala Mo Kaya, lalo na't ang award-winning director na si Jeffrey Jeturian ang direktor niya?

"Ah, hindi ko na pinangarap ‘yan. Ang gusto ko lang ay magkatrabaho na lang. May trauma na ako diyan!" natatawa niyang sabi, na ang tinutukoy ay ang Manila Film Festival scam noong 1994 na naging mitsa ng pagtalikod niya sa showbiz noon.

Dagdag niya, "Bonus na lang. Talagang pasasalamatan ko ang maglagay sa akin niyan, pero ngayon hindi ko na iniisip ‘yan."

Pero okay lang ba sa kanyang dumalo sa isang awards night?

"Ewan ko lang," matipid niyang sagot.

Pero paano kung kunin siyang host, gaya ng plano ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa Star Awards for Movies sa June?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Puwede... Pero tanungin si Mommy Rose [Flamianiano, his manager]," ani Gabby.

Bukod sa Maalaala Mo Kaya, excited din si Gabby sa teleserye na gagawin niya sa ABS-CBN titled Iisa Pa Lamang, kung saan makakasama niya sina Claudine Barretto, Angelica Panganiban, at Diether Ocampo. Inaasahang next week ay magsisimula na ang taping nila para sa teleserye.

Natatawa si Gabby dahil noong araw raw ay si Gretchen Barretto ang ka-partner niya, pero ngayon ay ang bunso nitong kapatid na si Claudine na ang katambal niya.

"Kaya nga, e!" bulalas niya. "Nakikita ko pa noon, bata pa si Claudine, tapos ngayon kasama na natin siya."

Nagkita na ba sila ulit ni Claudine?

"Ay, kakikilala ko lang sa kanya after many years. Sa workshop, dun pa lang namin nabi-break ang ice. Okay naman si Claudine. She's very transparent," sabi ni Gabby.

Ano naman ang reaksiyon ni Gabby sa mga lumalabas na balita na tinuldukan na ng dati niyang asawa na si Sharon Cuneta ang posibilidad na magsama sila sa isang pelikula, kahit P100 million pa raw ang offer?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kawawa naman ang fans, sana pagbigyan natin sila. Yun lang yun. Kung ano ang gusto ng fans, dapat siyempre ibigay natin sa kanila. Kaya naman tayo nandito dahil sa kanila," pahayag ni Gabby.

Pinalinaw rin namin kay Gabby ang balitang may humaharang sa kanya noon sa Star Cinema na isang malaking tao.

"Hindi ko alam. Kasi marami naman talagang obstacle, di ba? Pero ang paniniwala ko, kahit sa anong negosyo, hanapbuhay, grupuhan, ay merong kampi-kampihan. Kahit kayo ay grupo ng mga director, artista... Kahit naman sa eskuwelahan, merong mga grupo-grupo, di ba?

"So, ako naniniwala ako dito sa ABS, meron din. Pero hindi mawawala yun, di ba? Kahit na anong bagay, basta't dumarami ang tao, nagkakaroon ng grupo-grupo. Pupuwesto na lang ako dun sa gustong makipag-grupo sa akin at kung sino ang may gusto sa akin," pagwawakas ni Gabby.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang hahanapin kasi ng tao sa akin, 'What's new with Gabby Concepcion?' Yung mga roles na ginagawa ko noon ay iniiwasan ko dahil nagawa ko na ito," says Gabby Concepcion about his role in a special episode of Maalaala Mo Kaya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results