"Hindi ko po alam kung paano ko...kasi hindi naman po ako
record producer, pero gusto ko po siyang tulungan dahil naniniwala talaga ako
dun sa talento niya," relates Angel Locsin on her desire to help Mark, the man
who composed "Angel," a song inspired by her.
Angel Locsin meets the man who composed a song about her
Tuesday, April 29, 2008
02:28 PM
Rating
Noong April 23 ay birthday ni Angel Locsin, pero wala siyang malaking party. Mas pinili niyang i-celebrate ang birthday niya sa pamamagitan ng gift-giving sa mga bata sa Payatas (click here to read related article).
"Mahilig kasi ako sa mga bata kaya pinili kong sa kanila i-celebrate ang birthday ko. Ang sarap ng feeling na napasaya ko sila kahit sa konting sandali," sabi ni Angel sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, April 27. Ang solo presscon ay ibinigay ng ABS-CBN para sa kanyang kaarawan at para na rin sa seryeng Lobo na pinagbibidahan nila ni Piolo Pascual.
MEETING MARK. Isa sa maituturing ni Angel na pinakamagandang regalo na natanggap niya noong kanyang kaarawan ay nang makilala niya si Mark, member ng bandang Tres na nag-compose ng kantang "Angel."
"Na-meet ko na po siya sa Payatas. Naaliw ako hindi porke't ‘Angel' yung title ng kanta o ginawan ako ng kanta, kundi dahil very talented yung nag-compose. Ayoko namang i-compare, pero parang suma-Side A [band]. Ganun kaganda yung level ng boses niya at nung paggawa ng kanta talaga niya.
"So, naaliw ako kasi mahirap po gumawa ng kanta, lalo na't gagawa ka ng isang kanta para sa isang tao na hindi mo pa nami-meet, napapanood mo lang sa TV. So, iba yung passion niya talaga. So, sabi ko sana ma-meet ko itong taong ito para makapagpasalamat ako.
"And sana, hindi ko po alam kung paano ko...kasi hindi naman po ako record producer, pero gusto ko po siyang tulungan dahil naniniwala talaga ako dun sa talento niya.
"Nung na-meet ko siya, nahihiya-hiya pa siya kasi hindi niya alam kung ano'ng gagawin niya, ‘tapos nahihiya rin ako kasi yung sound system namin, hindi kagandahan. Pero kumanta pa rin po siya. Siguro kung iba yun, hindi na kakanta. Pero ginawa pa rin po niya para sa akin."
Paano niya ide-describe si Mark?
"Simple. Magiging honest ako, hindi siya kaguwapuhan. Pero alam ninyo, banda yung dating niya, may tayo po siya. Meron siyang dating ‘pag kumakanta, ‘pag nasa stage siya. Hitsurang banda po. Pero may charm siya talaga na mapapatitig ka rin sa kanya. Bukod sa magaling siya, meron po siyang angking charm."
TALKING ABOUT PIOLO. Napunta naman sa kanyang leading man sa Lobo na si Piolo Pascual ang aming usapan. Nasabi noon ni Angel na fan din siya nito, ngayong magkasama na sila sa isang TV show, ano ang mga bagong na-discover niya sa aktor?
"Dati kasi wala, e, nakatitig lang ako sa kanya nung hindi pa kami magkasama. So ngayon habang ginagawa na ho namin yung Lobo at matagal na kaming nagkakasama, nadi-discover namin na pareho kami ng attitude sa trabaho, e. Pareho kami ng pananaw sa buhay.
"Si Piolo kasi, napakasipag na tao, napakabait at seryoso sa trabaho. Plus never pa siyang nagsungit kahit pa natatapos na siya ng taping ng mga five p.m. kinabukasan. Nakangiti pa rin po siya, tahimik lang, ginagawa pa rin niya yung trabaho niya.
"Kahit antok na antok na po siya, nakikita ninyo sa gilid nagmo-motivate pa rin po siya. Ganun po siya ka-professional. Ayaw po niyang magkaroon ng hassle sa ibang tao. And makulit.
"Noon kasi, akala ko dramatic actor, seryoso. Makulit din kapag inaasar namin ni Dimples [Romana], kasi minsan mas gusto niyang kausapin yung mga kaibigan niya sa ibang bansa kesa sa amin ni Dimples. Kasi ang iingay namin, so, parang naiingayan yata siya. Pero ngayon, nakikisama na siya sa amin, nangungulit na rin at lagi po siyang may dalang prutas sa lahat."
ANGEL'S WISHES. Blessed si Angel sa kanyang career at sa personal na buhay. Halos lahat nga ay nasa kanya na. Pero may mga wish pa ba siya na gustong matupad? Can she give us three of those wishes?
"Una siguro ano po, hindi ko po alam kung dapat kong sabihin ito, pero sana kung ano man yung nangyayari sa network war, sana matigil na, kasi hindi po siya nakakatulong talaga. Kailangan po nating magtulungan para mas mapaganda ang industriya natin. Pangalawa, peace of mind. At pangatlo, sana makakita na po ulit ang daddy ko. 'Yun po."
- Angel Locsin on her 'unofficial' relationship with Phil Younghusband: "Walang labels. Walang anniversary, walang monthsary."
- Angel Locsin on "scorching-hot love scenes" with John Lloyd Cruz in Unofficially Yours : "Namomroblema na nga ako. Kasi, hindi na ako nahihiya!"
- Angel Locsin and Marian Rivera to star in a movie together?
- THE PEP LIST: Celeb Fashion Trends of 2011 (Part 1)
- Angel Locsin on her relationship with Phil Younghusband: "Di pa namin napag-uusapan yung may girlfriend, may boyfriend, yung mga ganun. Pero we are parang ganun."
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu
- Saab Magalona enjoys playing a villainess in new series
- Liz Uy keeps mum about rumored romance with Ely Buendia; refuses to comment on PNoy-Grace Lee hookup
- Katrina Halili on Hayden Kho's return to showbiz: "Ow? That guy? He's coming back? Oh, good luck to him!"
- Lea Salonga compares professionalism of teen stars then and now: "It just seems to be a different culture, it just seems to be a very different showbiz..."
- Barbie Forteza walkout on the set not true, says mom; they were given permission to leave early because they had a plane to catch
-
Events
David Archuleta to perform at Pyropalooza event
Zia Quizon, Indios, Never The Strangers, and JAMICH will join David Archuleta in serenading the crowd.
-
All About
Eugene Domingo: "I hope that the 'woman in the septic tank' gets to wear a gown and walk on the red carpet at the Kodak Theatre!"
-
TV Rating AGB
Kapuso programs sweep both daytime and primetime race.
-
Theater
Cirque Mother Africa will be presented from April 19-22 at Resorts World Manila
Dancers, percussionists, singers, acrobats and contortionists will impress audiences with a unique African-themed spectacle.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Part 2 Dolly Anne Carvajal on Carmina Villarroel-Claudine Barretto issue: "I stand by my story."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
Advertisement

