Piolo Pascual and Marian Rivera to be launched as celebrity endorsers of a spa


 
GMA-7's premier leading lady Marian Rivera and ABS-CBN's hottest leading man Piolo Pascual were chosen to be the new endorsers of Blue Water Spa.

Piolo Pascual and Marian Rivera to be launched as celebrity endorsers of a spa

Nitz Miralles

Rating


Ilu-launch bukas, April 30, sina Piolo Pascual at Marian Rivera bilang pinakabagong celebrity endorsers/image models ng Blue Water Spa. Gaganapin sa ballroom ng isang hotel ang launching, kung saan invited guests will be treated to a free spa and other forms of body relaxation.

 

Sina Toni Gonzaga at Brad Turvey ang pinalitang endorsers nina Piolo at Marian, na ang naglalakihang mga mukha ang nakalagay sa invite.

 

Sabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal), two to three months ago pa nag-pictorial sina Piolo at Marian para sa brochure, poster, at billboards ng Blue Water Spa. Pero naitago ito sa press at saka lang ito nalaman kung kailan na sila ilu-launch bilang bagong celebrity endorsers.

 

Dagdag na kuwento mula sa isang source, masaya sina Marian at Piolo sa pictorial—nagbibiruan at nagkakantiyawan. Sabagay, hindi naman ito ang una nilang pagkikita dahil nagkakilala sila sa charity event ni Ruffa Gutierrez sa Rockwell two years ago.

 

Isa sa biruan ng dalawa ay ang pagyaya ni Piolo na lumipat si Marian sa ABS-CBN, na sinagot naman ng young actress ng "Bakit hindi ikaw ang lumipat?"

 

Nabaitan daw si Marian kay Piolo. Noong dinner daw kasi ay iniwan sandali ng aktor ang mga ka-table niyang mga taga-ABS-CBN para maki-table kay Marian at sa mga kasama nitong taga-GMA-7.

 

Lalo raw nagkantiyawan nang bumisita si Direk Joyce Bernal sa pictorial dahil common friend niya sina Piolo at Marian. Isa pa, si Piolo ay ilang beses nang naidirek ni Joyce sa pelikula; samantalang siya rin ang direktor ni Marian sa Marimar at ngayon ay sa Dyesebel.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement