Pumirma na ng exclusive three-picture contract si KC Concepcion sa Star Cinema kaninang umaga, April 30, sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN.
"I feel like a star!" sabi ni KC sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya over lunch.
Magsisimula ng shooting si KC for her first movie sa third week of May pagbalik niya from France. Bukas, May 1, ay aalis si KC papuntang Paris, kung saan siya nag-aral. One week lang daw siya doon at titira siya sa bahay ng kanyang kaibigan.
Bakit siya pupunta ng Paris?
"Ay, vacation," sagot ni KC. "Kasi this is the longest I've been away since four years ago. Paris is my second home. Yung the moment na nag-debut ako, umalis na ako para tumira mag-isa doon."
Hindi kaya sumunod sa kanya sa Paris ang nababalitang leading man niya for her first film na si Richard Gutierrez?
"Pero, di ba, may Dubai siya for ano [Asero]? Di ba, nasa TV? Nasa PEP? I do my research," natatawang sabi ni KC.
RICHARD AS KC'S LEADING MAN? Sa August nakatakdang ipalabas ang first movie ni KC. Ayaw pang kumpirmahin, pero malaki ang posibilidad na si Richard na nga ang leading man ni KC. In fact, nakita namin ang ina at manager ni Richard na si Anabelle Rama na nakipag-meeting sa opisina ni Malou Santos sa Star Cinema last Friday, April 25.
"Tita Malou, naka-meeting ninyo si Tita Annabelle? Ano yung meeting na yun, Tita?" birong sabi ni KC sa head ng Star Cinema.
Bukod kay Richard, si Piolo Pascual ang naka-line up na maging leading man ni KC for her third film sa Star Cinema.
Ano ang tingin ni KC kay Richard bilang leading man?
"Ay, nirerespeto ko naman ang leading men ng ABS-CBN at GMA kasi yung trabahong yun, hindi madali. Puyatan, ‘pag tao pagod, pagod. Sila yung nagli-lead ng mga shows nila, ng mga leading lady nila, ng buong cast... Kumbaga, sila ang tinitingala ng mga tao. So kahit sino'ng leading man, kung sino ang mapili ng Star for me, sobrang magiging appreciative ako."
What about her personal feelings for Richard?
"Hindi, friend lang kami ni Chard. Parang ang showbiz ng dating? Friends lang!" tawa ulit ni KC.
May constant communication ba sila?




