Seasoned actor Joel Torre (left) was named Pinakapasadong Aktor for Ataul For Rent while Judy Ann Santos was adjudged Pinakapasadong Aktres for Ouija at the 10th Gawad Pasado.

Photo: Noel Orsal


Ginanap noong April 30 ang Ika-10 Gawad Pasado (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) sa The Fort, Taguig City.

 

Tatlong indie movies ang napili ng Gawad Pasado bilang Pinakapasadong Pelikula: Ataul For Rent, Endo, at Foster Child.

 

Si Judy Ann Santos ang hinirang nilang Pinakapasadong Aktres para sa pagganap niya sa pelikulang Ouija, samantalang si Joel Torre naman ang Pinakapasadong Aktor para sa Ataul For Rent.

 

Bukod sa Pinakapasadong Pelikula at Aktor, nagwagi rin ang Ataul For Rent sa mga sumusunod na kategorya: Pinakapasadong Katuwang na Aktor (Ronnie Lazaro at Pen Medina), Pinakapasadong Katuwang na Aktres (Irma Adlawan), Pinakapasadong Direktor (Neil "Buboy" Tan), at Pinakapasadong Musika (Nonong Buencamino).

 

Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa Ika-10 Gawad Pasado:

 

Pinakapasadong Pelikula: Ataul for Rent, Endo, Foster Child
Pinakapasadong Aktor: Joel Torre (Ataul for Rent)
Pinakapasadong Aktres: Judy Ann Santos (Ouija)
Pinakapasadong Katuwang na Aktor: Ronnie Lazaro & Pen Medina (Ataul for Rent)

Pinakapasadong Katuwang na Aktres: Irma Adlawan (Ataul for Rent)
Pinakapasadong Direktor: Neil "Buboy" Tan (Ataul for Rent)
Pinakapasadong Dulang Pampelikulang: Aloy Adlawan (Ouija)



Pinakapasadong Sinematograpiya: Monchie Redoble (Batanes)
Pinakapasadong Editing: JD Domingo (Endo)
Pinkapasadong Istorya: Ralston Jover (Foster Child)
Pinakapasadong Tunog: Ditoy Aguila (Ouija)
Pinakapasadong Musika: Nonong Buencamino (Ataul for Rent)

 

Pinakapasadong Guro: Ms. Malou de Guzman
Pinakapasadong Kabataan: Sam Concepcion & Shaina Magdayao
Pasado Lifetime Achievement Award ("Dangal ng Pasado"): Ms. Gina Lopez

Natatanging Bituin ng Pelikulang Pilipino sa Taong 2007: Cherry Pie Picache (Foster Child)
Natatanging Direktor ng Pelikulang Pilipino sa Taong 2007: Dante "Brillante" Mendoza (Foster Child)
Pinakapasadong Pelikula sa Paggamit ng Wika: Batanes
Pasado Aktres ng Dekada: Jaclyn Jose