Very memorable para kay Rica Peralejo ang pelikulang Caregiver, ang 15th anniversary offering ng Star Cinema. First movie kasi ito ni Rica with Megastar Sharon Cuneta.
"Well, I feel very, very blessed from the moment they told me about this movie. I already knew it in my heart that I will do everything to do this movie. I mean, I wanted to do everything just to be able to do this for the reason that this is a Chito Roño film, a Sharon Cuneta film, and it brings me to London. Kaya very special, sobra!" pahayag ni Rica nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng pictorial ng Caregiver last May 6 sa The Fort.
Wala ba siyang na-meet na special guy sa London while doing Caregiver?
"Wala akong na-meet na ano, like 'papa?'" balik-tanong niya. "Wala, kasi I don't travel to meet guys. I travel to experience a place and to work and to enjoy."
Saan siya namasyal sa London?
"Naku, tanungin mo sila [co-stars niya sa movie]! Inggit na inggit sila sa buhay ko. Umaga pa lang, nasa lakaran na ako hanggang sundown. Ganun kalakas ang loob ko. Ay, mega-picture ako! Hobby ko ‘yan, e, mag-take ng photographs.
"Pinagtatawan nila akong lahat kasi ang bigat-bigat daw ng backpack ko, lakad ako nang lakad. Mag-isa lang ako. Kahit si John Estrada tanungin mo, naano ‘yan sa akin. Na sabi niya, ‘Ang tapang mo pala! Ginawa ko yung ginawa mo, nakakatakot ha.' Sabi ko, ‘Oo, no? Ako pa!'" lahad ni Rica.
Yun na ba ang pinaka-memorable experience niya sa London bukod sa pagsu-shoot ng movie nila na Caregiver?
Ayon kay Rica, "Ang memorable experience is would be yung inaway ako ng isang babae sa Portobello sa Notting Hill. Kasi akala niya pini-piktyuran ko siya, yung mga ganun. Nakakatawa! Ang dami kong instances na ganyan... Sa Notting Hill kasi, that's where they actually shot. Sumama lang ako, so I can go around."
WORKING WITH SHARON. Kumusta namang katrabaho si Sharon since it was her first time?
"Sharon is ano, is an awesome, awesome superstar!" bulalas niya. "Parang for me, somebody as big as her maybe, you know... It's not that I'm saying it's right na hitad ka, pero sinasabi ko lang na kung hitad ka you've earned it.
"Kumbaga, kahit papaano maiintindihan mo, e. Hindi yung parang not to compare, pero kung ako yung nag-hitad, okey ka lang? Bakit ka naghitad, di ba? Ano ang karapatan mo? Kung sabagay, sinasabi ko lang.
"Si Sharon, sa lahat ng nakita ko, siya lang talaga yung nakita ko, siya lang talaga yung parang sabi ko, ‘Grabe! Ang galing din ng ano nito.' Parang you'll actually feel na kaya pala siya naging ganun."
MATTERS OF THE HEART. Ano naman ang estado ng kanyang puso sa ngayon?
"Sa totoo lang, wala naman. Yeah, wala naman kasi talaga," sagot niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS