Late last year, Phillip Salvador (main photo), Rudy Fernandez (inset), Senators Jinggoy Estrada and Bong Revilla (not in photo) sat for dinner at Rudy's Quezon City home.

In an interview with PEP, Daboy (Rudy's nickname) wished to do a movie that would be produced by Bong and starring all of his kumpadres.

Photo: Noel Orsal

Dinagsa ng mga kaibigan ni Rudy Fernandez ang healing mass na ginanap noong Sabado, ika-10 ng Mayo, sa Christ The King Church, E. Rodriguez Avenue, Quezon City. Ang misa ay handog ng mga kaibigan ni Rudy mula sa film industry na patuloy na umaasa at nagdarasal na malalampasan ng aktor ang krisis na kanyang pinagdadaanan ngayon.

Siyempre hindi mawawala ang mga matalik na kaibigan ng action star. Naroon sina Phillip Salvador, na siyang humawak ng chalice during the offertory, at Senator Jinggoy Estrada.

Si Senator Bong Revilla naman ay hindi nakadalo dahil nasa Hong Kong siya noong araw na iyon, kasama ang butihing maybahay na si Lani Mercado, upang doon sila magselebra ng Mother's Day.

Pagkatapos na pagkatapos ng misa, napansin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang paglabas ni Phillip, ganundin si Senador Jinggoy.

At noong namataan namin sila na magkausap sa labas ng simbahan, kapansin-pansin na tila umiiwas ang dalawa sa anumang interbyu.

Una naming nilapitan si Kuya Ipe, na bagamat nakasuot siya ng shades ay mababakas na may malalim na iniisip. Hinawakan lang niya kami sa kamay. Nagdesisyon kami na umalis na lang habang akmang sasakay na siya sa kotse ni Sen. Jinggoy.

Pagkalayo namin ng ilang metro, nakita namin si Kuya Ipe na may kausap na TV reporter kaya lumapit na rin kami at nakinig sa kanyang sinasabi. Heto ang inabutan namin sa pahayag ng aktor.

"'Pag ipinagdarasal natin ang isang taong may sakit, gusto ng Panginoon iyon. If two or three people are gathered, nandiyan ang Panginoon natin. Prayer is more powerful ‘pag nagkaisa tayo sa pagdarasal. ‘Pag nagsama-sama ang prayers natin, more powerful iyon. Ang kahilingan ko ho, maski yung mga hindi nakakakilala kay Rudy Fernandez, ipagdasal ninyo si Rudy Fernandez for compassion," aniya.

Bilang isang kaibigan, bilang isang kapatid, sino si Rudy Fernandez?

"One in a million," ang maikling tinuran ni Kuya Ipe.

Ano ang mensaheng gusto mong ibigay kay Daboy?

"Kayang-kaya mo iyan. Mahal na mahal ka namin," ang sabi ng premyadong aktor.

Tinanong din si Kuya Ipe kung ano na ba talaga ang kalagayan ni Daboy ngayon?

"Right now he's okay, right now, he's very okay. As a matter of fact, huwag kayong mag-worry."

Pero naputol ang kanyang sagot sa tanong na ito nang may nagtanong tungkol sa kalagayan naman ni Ms. Lorna Tolentino, na noong araw na iyon ay kasama ni Rudy sa Capitol Medical Center.