Marky Cielo and Rhian Ramos were among the Kapuso stars who paraded on the streets around Araneta Center in Cubao, Quezon City, for the yearly Grand Santacruzan.

Photo: Noel B. Orsal

Umuulan man, itinuloy pa rin ang yearly Grand Santacruzan at the Araneta Center noong Sabado, May 10.

 

Traditionally, tuwing buwan ng Mayo idinaraos sa mga baryo, baranggay, at kabayanan, sa probinsiya man o sa lungsod, ang Santacruzan. Sa mga paradang ito, lumalakad suot ang mga naggagarbuhang mga gowns at barong tagalog ang mga naggagandahang dilag at naggaguwapuhang mga binata ng lugar na pinagdadausan ng Santacruzan. May mga pinalamutiang pang "arko" na siyang nagpapakilala sa mga "reyna at konsorte" na pumaparada.

 

Ang Grand Santacruzan naman ng Araneta Center ang itinuturing na pinaka-grandiosong Santacruzan sa buong bansa dahil na rin sa mga magaganda't makikisig na celebrities na kasali dito.

 

This year, ilang Kapuso stars at mga past at present winners ng Bb. Pilipinas ang rumampa sa commercial district ng Quezon City.

 

Ang mga GMA artists na nasa Santacruzan ay sina Jennica Garcia (Reyna Fe) with escort Felix Roco, Hazel Ann Mendoza (Reyna Caridad) with escort JC Raymundo, Jewel Mische (Reyna Justicia) with escort Dominic Roco, Rhian Ramos (Reyna Esperanza) escorted by Marky Cielo, Jean Garcia (as Reyna Emperatriz) and Katrina Halili (Reyna Elena) with escort JM Reyes.

 

Mula naman sa Bb. Pilipinas Charities, Inc., naroon din ang Bb. Pilipinas 2008 winners na sina 2nd Runner up Elizabeth Nacuspag (Reyna Judith) escorted by Paul Celis; 1st Runner up Danielle Castano (Reyna Esther) escorted by Roy Virey; Bb. Pilipinas-International Patricia Fernandez (Reyna Del Cielo) with escort Gian Valderama; Bb. Pilipinas-Universe Jennifer Barrientos (Reyna de los Propetas) with escort Claude Bocquet, and Bb. Pilipinas-World Janina San Miguel (Reyna del Sol) with escort Jason Fulgencio.

 

Naroon din si Bb. Pilipinas-Universe 2005 Giona Cabrera (Reyna de las Flores), escorted by Mr. World Philippines 2007 Emmanuel Mago.

 

Dahil sa ulan, napilitan ang organizers ng Santacruzan na simulan ang parada at 5 pm sa South Gate ng Araneta Coliseum, imbes na 4 pm gaya ng in-announce sa press releases.

 

May mga guwapo't magagandang representative din sa "Sagala" ang ilang mga baranggay at mga negosyo sa loob at paligid ng Araneta Center.