GMA-7 will not only have Codename: Asero, Gaano Kadalas ang Minsan, and Kim Sam Soon for its new shows, but will also give the Kapuso viewers their new fantaserye entitled Gagambino whose lead actor's identity is still being kept under wraps.

Photo: Internet photo

Hindi lang Codename: Asero ni Richard Gutierrez, Gaano Kadalas ang Minsan nina Sunshine Dizon, Marvin Agustin, at Diana Zubiri at Kim Sam Soon ni Regine Velasquez ang aabangang bagong shows ng GMA-7.

Malapit na ring mapanood ang Gagambino, ang bagong fantaserye na isa pa ring likha ni Carlo J. Caparas.

Nag-shoot na ng teaser ng fantaserye, pero bawal na bawal pang ilantad kung sino ang bidang aktor nito.

Ang ibinigay lang na go signal sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ay ipaalam na may aabangang Gagambino ang Kapuso viewers, pero ang ‘di pa puwedeng ipaalam ay kung sino ang masuwerteng aktor na pinagkatiwalaan ng nasabing project na siguradong mamahalin at susubaybayan ng viewers.

Kahit ang di pa mapangalanang aktor ay nagulat nang malamang siya ang napili ng network na magbida sa bagong fantaserye. Lalo pa itong na-excite nang pinag-report para sa shoot ng teaser, dahil hindi ini-expect na ganun kabilis ang magiging takbo ng bago niyang show.