PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrew Schimmer recalls harassment by gay strangers

Andrew remembers encounters with very forward gays in a club and in Boracay.
by Archie de Calma
Published May 26, 2008
"Ewan ko ba, sanay na akong nilalapitan ng indecent proposals, pero ayokong kumagat sa ganyan. Kahit sabihin pa nilang nagmamalinis ako, or what. Hindi ako talaga kasi ganoon," says Andrew Schimmer.

Naikuwento ni Andrew Schimmer sa PEP (Philippine Entertainment Portral), sa set ng pelikulang Eskandalo na dinidirek ni Joven Tan, ang isang hindi malilimutang insidente ng aktor sa Embassy bar sa Makati, involving a gay.

"Ewan ko ba, sanay na akong nilalapitan ng indecent proposals, pero ayokong kumagat sa ganyan. Kahit sabihin pa nilang nagmamalinis ako, or what. Hindi ako talaga kasi ganoon.

"Iba yung prinsipyo ko. Wala naman akong against sa ganoon, kung ginagawa man ng iba yun, iniintindi ko rin ang situwasyon nila, and it's none of my business.

EMBASSY ENCOUNTER. "Kaya lang, nang may lumapit sa akin sa Embassy, hindi ko akalain na aabot sa puntong kukulitin ako ng gay na yun. Disente pa naman ang dating niya.

"Kasama ko, that time, si Andrew Wolff at Jay Aquitania. Pero, tinyempuhan ako ng gay na yun, na napalayo ako sa grupo. Tinanong niya ako kung pumapayag ba ako sa ganoon, kasi raw, type na type niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa akin, hindi ako basta mau-offend. Sasabihin ko na lang, in a nice way, na nagkakamali siya ng nilalapitan. I have made my point clear kaagad.

"Sa umpisa pa lang kasi, nag-o-offer na siya ng drinks. Sabi ko naman sa kanya, we're fine. Nice nga ako sa kanya. Kaya lang, napikon ako noong sinundan pa niya ako sa comfort room," napapailing si Andrew.

Sa may pinto ng CR, naroroon pa yung guy at kinukulit siya.

"Tinatanong niya ako kung magkano raw ba talaga at handa siyang magbayad," kuwento ni Andrew.

"Ibang usapan na yun. Bukod sa makulit na siya, ang dating talaga, nambabastos na siya. I called the attention of the bouncer. E, medyo nakainom kami bago nagpunta sa Embassy, at talagang uminit na ang ulo ko.

"Sabi ko sa bouncer, ilayo sa akin ang bading na yun at baka kung ano pa ang magawa ko. I have nothing against gays na nagkakagusto sa mga lalaki, kasi, in some points, compliment ang dating sa akin kapag may mga gay na nagpaparamdam ng kanilang paghanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ibang usapan na kasi kapag may bastusang nangyayari. Tinanong pa ako ni Tim Yap doon kung ano ba raw ang problema, at sinabi ko nga na ganoon. Pinaalis naman ng bouncer yung makulit na gay."

Mula noon ay umiwas na muna si Andrew sa gimikan. In fact, minsan lang daw talaga siyang napagawi sa Embassy.

"Mas malala ako noong bata-bata pa, noong si Tito Dougs [Douglas Quijano] pa ang nagma-manage sa akin. Kung saan-saan ako nakikita, at kung anu-ano tuloy tsismis ang lumalabas.

"Na-realize ko na kailangang iwasan ko ang mga lugar kung saan tumatambay yung sinasabi nilang mga artistang ‘pa-booking,' dahil maski yung mga walang muwang sa ganyan, nadadamay pa.

"Gusto kong isipin na ganoon, at saka iwas din muna sa barkada sa pagpunta sa mga bar. Mabuti na lang at busy rin ako. Wala na akong panahon pa ngayon para sa gimikan," sabi pa ni Andrew.

"CLASSMATE" IN BORACAY. Bukod sa insidente sa Embassy, may ganoon ding engkuwentro si Andrew sa Boracay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Noong minsang nagpunta kami roon, sa may bungad ng Cocomangas, may lumapit sa akin. He's a guy, na for sure, bading siya. Sinabi niyang kaklase ko raw siya noong college, e, hindi ko naman siya kakilala talaga.

"Pinipilit niyang kakilala niya ako, from first year hanggang maka-graduate, classmates daw kami. Imposible yun, sabi ko. Kasi, hindi ako nakatapos ng college. Pagkatapos ng first semester ng first year, hindi na ako nakapag-enrol.

"Sinasabi pa nga raw na may nangyari raw sa amin. Pikon na pikon ako. Kinakantiyawan ako ng mga kasama ko, baka nga raw kilala ko.

"Gusto ko na talagang upakan yung guy, pero, inilayo na lang ako ng mga kasama ko at iniiwas ako sa gulo. Nakita ko pa yung guy, after the commotion, ngingisi-ngisi pa siya. Gusto ko na talagang balikan," napapailing na kuwento pa ni Andrew.

Read Next
Read More Stories About
Andrew Schimmer
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ewan ko ba, sanay na akong nilalapitan ng indecent proposals, pero ayokong kumagat sa ganyan. Kahit sabihin pa nilang nagmamalinis ako, or what. Hindi ako talaga kasi ganoon," says Andrew Schimmer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results