Kahit abala ang aktress na si Gladys Reyes sa pag-e-estima at pagiging host na rin ng kanyang baby shower cum advanced birthday celebration sa Grand Terrace last May 28, nakausap pa rin ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Malaki na ang tiyan ni Gladys at kapansin-pansin na maganda siyang magbuntis.
"Siyempre, first time kong magkakaroon ng baby girl!" masaya nga niyang pahayag sa PEP. "Kaya nga ako nagkaroon na rin ng baby shower dahil, di ba, madalas na sinasabi, usually kapag first time mom lang ang baby shower? Pero ang nag-prepare rin naman kasi nito, yung mga staff ko sa Moments [her show in Net 25 UHF channel]."
Natatawang dugtong pa niya, "At saka, alam naman natin, malaking katipiran ang baby shower. Gusto ko ngang papurihan ang nakaisip ng baby shower, kasi, di ba, sa panahon ngayon, dapat maging practical ka. Although, yung mga basic na pangangailangan ng baby, meron na ‘ko dahil nga kay Christophe."
WHERE'S JUDAY? Ilan nga sa mga dumating na showbiz friends niya ay sina Carmi Martin at Angelu de Leon. Naitanong tuloy ng PEP kay Gladys kung hindi ba niya inimbitahan ang iniisip ng maraming best friend niya talaga sa showbiz na si Judy Ann Santos dahil sila ang madalas na nagkakasama noon since their Mara Clara days?
"Ay, alam n'yo, in fairness to Judy Ann, pupunta siya kung hindi lang napaaga ang kanyang flight to Europe. So, sinabihan na niya ‘ko na 25 nga raw ang alis nila ni Ryan [Agoncillo]. Pero noong first birthday rin naman ng anak ko rito, nagpunta siya.
"Isa na si Judy Ann sa kino-consider ko na kung maaari rin naman siyang makapunta, pupunta siya. Kung hindi, may representative siyang tiyak, like si Mommy Carol."
ITCHIN' TO HURT SOMEBODY. Habang pansamantalang hindi muna siya mapapanood sa any regular shows, ang business nila ng husband niyang si Christopher Roxas ang mas pinagkakaabalahan niya. Pero pagkapanganak, nagpasabi na raw siya sa manager niyang si Lolit Solis na kung puwede, yung tulad ng mga dating kontrabida roles naman ang gagawin niyang muli.
"Well, sabi ko nga kay Nay Lolit, parang nami-miss ko ang manakit!" natatawa niyang sabi. "Parang gusto ko ng isang matinding kontrabida role. Kasi so far, kung mapapansin nila, yung mga nagawa kong kontrabida in the past, puro light lang. Puro comedy at patawa. Although, for a change yun sa akin.
"Pero, parang gusto ko na...kasi hanggang ngayon, naaalala pa rin nila sa akin, si Clara [her character in Mara Clara, her TV show with Judy Ann]. So, parang sila, ‘Bakit hindi ka gumawa ng matindi?' Yung talagang mamumuhi ulit sa akin ang mga tao. So, sabi ko naman, why not?
"Kasi, iba na naman ang mga tao ngayon. Alam naman nilang work lang yun at puwede namang mag-comedy rin. So, if given a chance, gusto ko ng isang matindihang kontrabida ulit."
HELPING EACH OTHER. Ang asawa naman daw niyang si Christopher ay kakatapos lang ng Kung-Fu Kids sa ABS-CBN. Kung titingnan ngayon, magkaiba sila ng network na nilalabasan, magkaiba rin sila ng manager dahil si Chris, under kay Angge. Though, parehong hindi contract stars ng network, umuubra naman daw sa kanila yung ganoong set-up.
"Si Chris, kakatapos lang niya ng Kung-Fu Kids, ‘tapos, busy rin sa kanyang buy and sell naman na cars. ‘Tapos, pinag-iisipan pa niya ang mag-put-up ng food business. E, parang ang gusto niya, may mga kasosyo. Kaso, sabi ko rin, baka eventually, magka-problema at magsimula na lang kahit maliit lang na business."
Nagkakatulungan daw silang mag-asawa sa lahat ng bagay kaya hindi totoo ang impression ng iba sa kanila na tipong siya ang breadwinner or siya ang kumikilos sa kanilang mag-asawa.
"Alam n'yo, hindi totoo yun...nagkataon kasi, ako ang maingay. Ako kasi ang visible. Kaya akala nila, ganoon lang. Na ako ang active financially. Pero in fairness naman kay Christopher, yun naman ang tipo na kahit ientrega na niya sa akin ang lahat, bibigyan ko lang siya ng allowance, masaya na siya.
"Actually, kahit nga sa taping niya, ako ang taga-kolekta, yung ganoon? Minsan nga, nagagalit na sa akin si Angge, kasi pati commission niya, kinukuha ko, ha-ha-ha! Charing lang!"
Hindi raw sila naaapektuhang mag-asawa sa pag-iintriga sa kanilang mag-asawa na dinodominahan daw niya si Christopher.
Sabi nga niya, "Si Christopher, immune na siya sa ganyan. Siyempre, di ba, from the start, parang ako yung nakikita nilang visible? Parang ako kasi yung maingay sa mga interview. So, akala nila, ako lang... ‘tapos akala nila, palagi lang siyang nasa back stage, parang ganoon...dahil ang lakas daw ng personality ko masyado."
At biro pa rin niya, "Akala nila, ander siya....pero ang hindi nila alam, palagi siyang over! Kaya nga, heto, pangalawa na ito," sabay turo sa kanyang tiyan at natatawa rin sa sariling biro.
