"Siguro misunderstood lang talaga siya. Ang nama-magnify lang ng mga tao sa kanya ay yung mga pagkakamali niya, pero hindi nila napagtutuunan ng pansin yung good side niya," says Jodi Sta. Maria about ex-boyfriend Baron Geisler.

Photo: Noel Orsal

With her happy family life and successful career, si Jodi Sta. Maria ay isang magandang halimbawa sa hanay ng mga artista natin na kahit nagkapamilya sa murang edad ay may lugar pa rin sa showbiz, dala na rin ng kanyang galing sa pag-arte.

It seems that everything fell into place for Jodi. Pagkatapos ng mga balita noon na may mga problema ang pagsasama nila ng asawang si Pampi Lacson, ngayon ay tahimik at wala nang naririnig na pagsubok na pinagdadaanan ang mag-asawa.

Sa usaping showbiz naman ay lutang na lutang ang husay at versatility niya bilang aktres, kaya hindi nawawalan ng proyketo si Jodi.

THE EX-BOYFRIEND. Sa kabila nito ay nauugnay pa rin ang pangalan niya sa hindi magagandang nangyayari sa ex-boyfriend na si Baron Geisler. Ayon sa usap-usapan, dinamdam at dumaan daw sa matinding depression ang binatang aktor nang magkahiwalay sila at mag-asawa si Jodi ilang taon na ang nakakalipas. Dagdag na balita rin na nakaapekto raw ito nang husto kay Baron at naging rason kung bakit ngayon ay nasasabit ang young actor sa kabi-kabilang mga gulo.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jodi, sinabi niya na nagtataka siya sa iniisip na ito ng ibang tao gayong pitong taon na ang nakalipas mula nang magkahiwalay sila ni Baron.

"I don't think that's true, 2001 pa yun, ang tagal na, 2008 na ngayon. It's seven years already. I'm sure Baron is really happy with his life right now.

"Nang nagkahiwalay kami nun, masakit sa akin, masakit sa kanya. Sino ba naman ang naghihiwalay na masaya, di ba? Pero lahat naman nakakapag-move on. He has moved on and I have moved on also."

Isa sa problemang kinahaharap ngayon ni Baron ay ang kasong act of lasciviousness na isinampa sa kanya ng panganay na anak nina William Martinez at Yayo Aguila na si Patricia Martinez. Nagbanta si Patricia at ang pamilya Martinez na hindi makikipag-settle kay Baron at hindi sila hihinto hangga't hindi nakukulong ang aktor.

Nang tanungin namin si Jodi tungkol dito, ipinaliwanag naman ng aktres na wala siya sa posisyon na magsalita ng kahit na ano tungkol sa kaso, kahit pa nga nagkausap na sila ni Baron at nasabi na nito sa kanya ang panig ng aktor.

"What I do naman kasi if I hear something, I don't believe right away. So what I do, since Baron naman is my friend, I call him and I ask him if it's true nga yung mga nangyayari and he explained it naman.

"Actually, hindi ko alam yung buong detalye. So wala ako sa position para magsabi ng kung ano ang dapat nilang gawin or hindi nila dapat gawin, or kung ano ang totoo at hindi."

Para kay Jodi, misunderstood lang madalas si Baron ng ibang tao.

"Siguro misunderstood lang talaga siya. Ang nama-magnify lang ng mga tao sa kanya ay yung mga pagkakamali niya, pero hindi nila napagtutuunan ng pansin yung good side niya," pagtatanggol ng aktres sa dating kapareha.

FAMILY LIFE. Masaya at kuntento sa buhay may-asawa, ikinuwento ni Jodi sa PEP na nakalipat na sila sa sarili nilang bahay. Ini-enjoy na raw niya ang responsibilidad ng pagiging isang maybahay.

"Mabuti kami, three years na kami ni Pampi and, so far, wala namang problema. So far, everything is doing well. We just moved to our new house. Ngayon, mas natututo ako sa budgeting. Siyempre, responsiblidad ko na ang buong house kasi kami na ang nagpapatakbo," lahad niya.