Although Sunshine Dizon already did a pictorial and taped some scenes for Gaano Kadalas ang Minsan, GMA-7 management has decided to replace her after getting ill. She is reportedly being replaced by Camille Prats, who will make a TV comeback after giving birth.

Photo: Noel Orsal (Sunshine) & Emerson Sy (Camille)

Nagkaroon na ng announcement na ang 1982 Viva Films movie na Gaano Kadalas ang Minsan—which starred Vilma Santos, Hilda Koronel, and the late Dindo Fernando—will be the ninth movie turned into a Sine Novela by GMA-7. Papalitan nito ang Kaputol ng Isang Awit na magtatapos next Friday, June 13.

Nag-pictorial na ang main cast ng TV remake ng Gaano Kadalas ang Minsan. Si Sunshine will play the original role of Vilma, si Diana Zubiri as the character played by Hilda, at si Marvin Agustin naman ang lalabas sa papel na unang ginampanan ni Dindo. The said pictorial was also used sa teaser ng show na naipalabas na sa GMA-7 as part of its new shows for June and July.

Nakapag-taping na rin ang three main cast last week at nakunan na ito ng news crew ng GMA-7 with matching interview pa.

Last Tuesday (June 4) though, Sunshine got very sick. Wala pang detalye sa kasalukuyan kung ano ang naging karamdaman ng young actress.

Hindi puwedeng huminto ang taping ng Gaano Kadalas ang Minsan dahil may isang linggo na lang itong head start as it will pilot this June 16.

Nagkaroon na ng decision ang GMA-7 management na palitan na si Sunshine para makapagpagaling siya nang husto. Saka na lang daw siya bibigyan ng bagong show when she's well. Ito sana ang follow-up soap ni Sunshine after her role in Richard Gutierrez's primetime show Kamandag.

Wala pang official replacement si Sunshine but we heard it will be Camille Prats at kung magkakaayusan, bukas ang pictorial ng kapatid ni John Prats for the said Sine Novela.

Marvin and Diana will stay.