This season could be the busiest for Karylle, who is also into acting and hosting aside from being a singer. Bukod kasi sa pagkakapili sa kanya after auditioning for Stages' West Side Story, anytime soon, Karylle will launch her new album na almost two years din niyang ginawa.
As Karylle told PEP (Philippine Entertainment Portal) over lunch at Centerstage, a KTV bar & restaurant business which she co-owns with boyfriend Dingdong Dantes and other non-showbiz business partners, finally may title na raw ang bago niyang album—Roadtrip.
Very special ang album na ito kay Karylle because she wrote most of the songs. Fifteen songs ang nasa album, which consists mostly of love songs and ballads, with a few alternatives, only two of which are remakes.
"Yung mga songs, it took me a year to write and the arranging and actual recording, another year. That's why it took me two years to finish," sabi ni Karylle habang ipinaririnig ang ilan sa mga song na na-record na niya at siya mismo ang nagsulat.
MUSICAL PLAY. Aside from that, nag-a-alternate sila ni Rhian Ramos as hosts of Pinoy Idol Extra. Pero aminado si Karylle na pinakamalaking bahagi ng kanyang schedule ay ang kanyang musical play na West Side Story, which will run at the Meralco Theater this September to October.
Script reading na raw sila ngayon, so anytime soon, rehearsal naman na sila. Ang makakasama nga niya rito ay si Christian Bautista, at alternate naman niya si Joana Ampil of Les Miserables.
Napag-alaman din ng PEP kay Karylle na isa talaga sa gustung-gusto niyang gawin ay musical.
"Ever since talaga, kahit kapag may soap or movie akong ginagawa, natatawa sila sa akin kapag sinasabi ko, ‘O, musical naman tayo,'" natatawa niyang kuwento. "Kaso, parang wala nang gumagawa ng ganun ngayon. Parang ang saya tuloy noong ‘50s na ganoon palagi ang theme."
Although hindi raw fan ng mga manghuhula, may kuwento si Karylle now that she got the role of Maria in West Side Story.
Aniya, "May nanghula kasi sa akin, sabi niya, this year daw, gagawa ako ng dalawang stage play. So feeling ko, ‘eto na nga yung pangalawa."
STILL GOING STRONG. May kasabihan na kung okey ka sa career, more often than not, ang love life ang nagsa-suffer. Pero sa case nila ni Dingdong, going strong pa rin ang takbo ng love life nila. In terms of their career, individually ay okey rin ang takbo ng mga ito.
"I think, naghe-help na sinusuportahan namin ang isa't isa," sabi ni Karylle. "Kapag yung isa feeling kind of down, siyempre hahanapan ng ways na baka dito ka puwede or kunwari may pina-plan na anything. At kung mukhang hindi maganda ang pina-plan niya or vice-versa, parang mag-adjust yung isa."
Patuloy niya, "Alam n'yo, dapat kasi gumawa tayo ng sariling kasabihan. Like before, ang dami kong kasabihan na inimbento ko. Like yung parents ko, nag-separate noong maliit ako, so feeling ko, career yung reason.
"Parang kapag iniisip mo na ganoon talaga, yun ang mangyayari. Positive na lang. Parang imbento ka na lang, kahit na ano, parang dream, nagkakatotoo naman. Minsan kasi, mahirap ka rin ma-stuck sa ganoon. Like minsan totoo naman, yung mga kasabihan ng mga matatanda, pero kapag palagi mong naiisip, sometimes it hinders the growth."
Three years na sila ni Dingdong at kahit may Marian Rivera ang young actor as love interest on-cam, tila lalo pa ngang tumitibay ang relasyon nila. Magkaganuman, ayaw itong i-describe ni Karylle as ideal or perfect, but happy.
"Kasi kapag ideal, hindi totoo. Hindi rin naman siya perfect, pero maganda siya. Kasi kapag ideal, parang fake, di ba?" saad niya.
NO JEALOUSY. Nangingiti na lang si Karylle kapag may nang-iintriga pa rin sa kanya na kesyo nagseselos daw siya kay Marian. In fact, aminado siya na kapag may time din lang, nanonood siya ng Dyesebel na pinagbibidahan nina Marian at Dingdong.
Hindi na rin daw siya nagtataka kung bakit may mga selos issue na lumalabas. "Parang natural lang naman na isusulat yun. Parang kunwari may pumunta ng States, sasabihan buntis. Parang formula, di ba?" na ikinatawa ng iba pang entertainment press dahil sa ginamit niyang salita.
Pero silang dalawa raw ni Marian, okey talaga sila.
"Wala naman kasing chance na talagang magkausap nang matagal. Never pa rin kaming nagkasama sa isang project. Pero kapag halimbawa guest siya sa SOP, babatiin ko siya. Pero alam n'yo naman sa SOP, siyempre palaging mabilisan ang kilos. Nagmamadali lahat ng tao kaya walang chance na matagal na usap."
Kung may natatandaan man daw siyang nagkasama sila ni Marian, iyon ay noong New Year countdown nila for GMA-7.
"Yun na yung time na nakasama ko siya. Noong magkasama kami, ibinigay ko pa nga sa kanya yung spiel niya, kasi walang nagbigay. Kasi ako, host ako noon, so nasa akin ang script. E, feeling ko, hindi naibigay sa kanya. True enough, hindi nga niya alam," kuwento ni Karylle.
Naniniwala rin daw siya na malakas at maganda ang chemistry nina Marian at Dingdong.
"Basta ako, I'm happy na siya ang hari ng primetime!" pagmamalaki niya tungkol kay Dingdong.
ZSA ZSA-KARYLLE SHOW. Naka-schedule umalis si Karylle for a show with her mom Zsa Zsa Padilla sa June 14 sa Casino Hotel, San Diego, California. First time daw nilang mag-ina na magpe-perform abroad.
Ayon kay Karylle, it's something she looks forward to lalo na't hindi nila magawa ito nang madalas. Si Karylle kasi ay Kapuso samantalang si Zsa Zsa naman ay Kapamilya at magkatapat pa nga ang kanilang mga programa—SOP at ASAP '08.
