A Love Story (top, starring Maricel Soriano, Aga Muhlach and Angelica Panganiban), Katas ng Saudi (left, Lorna Tolentino and Jinggoy Estrada), Ouija (center, Jolina Magdangal and Judy Ann Santos) and Sakal, Sakali, Saklolo (right, Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos) vie for the honors, Movie of the Year and Director of the Year, under the mainstream film category in the 24th Star Awards for Movies on June 27 at the Henry Lee Irwin Theater in Quezon City.

Photo: File photos

Pormal nang inihayag ng mga bumubuo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mga nominado para sa gaganaping 24th Star Awards For Movies 2008, sa Hunyo 27, ika-6 ng gabi, sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo De Manila University, Quezon City. May TV coverage ito na ipalalabas sa Linggo, Hunyo 29, sa Channel 2, simula ika-10 ng gabi.

Makasaysayan ang Star Awards for Movies sa ika-24 na taon nito ngayong 2008, dahil sa pagkakapili nito bilang Ulirang Artista Lifetime Achievement Awardee ang yumaong aktor-prodyuser na si Rudy Fernandez.

Para naman sa mga parangal, dalawampu't limang kategorya ang paglalabanan ng mga nominado mula sa dalawang grupo ng manlilikhang pampelikula: ang mainstream movie industry at independent o "indie" cinema na gumagawa ng mga pelikulang digital.

Maliban sa mga parangal sa pagganap, may dalawang sets of nominees ang Star Awards for Movies '08. Pararangalan ang mga pinakamahuhusay na pelikula, direktor, manunulat, at tekniko mula sa mga kategoryang Mainstream at Digital.

Para sa Movie/Director of the Year Mainstream Category ay nominado ang mga sumusunod: A Love Story (ni Maryo J. Delos Reyes), "Daddy's Angel" episode ng Angels (Jose "Dingdong" Dantes III), Ataul For Rent (Neal Tan), Katas ng Saudi at Sakal, Sakali, Saklolo (Jose Javier Reyes), One More Chance (Cathy Garcia-Molina), at Ouija (Topel Lee).

Para sa Movie/Director of the Year Digital Category ay nominado ang mga sumusunod: Confessional (nina Jerrold Tarog at Ruel Antipuesto), Pisay (Aureaus Solito), Selda (Paolo Villaluna and Ellen Ramos), Tambolista (Adolfo Borinaga Alix Jr.), at Tribu (Jim Libiran).

Pinakaaabangan din taun-taon ang mga nominado at tatanghaling winners ng Star Awards for Movies, para sa dalawang major acting categories, ang Movie Actor at Movie Actress of the Year.

Sa taong ito, nasa listahan ng nominees ang mga sumusunod:

Actors: Paolo Contis (Banal), John Lloyd Cruz (One More Chance), Ryan Eigenmann (Baliw), Sid Lucero (Selda), Aga Muhlach (A Love Story), and Piolo Pascual (Paano Kita Iibigin?).

Actresses: Ai-Ai delas Alas (Ang Cute ng Ina Mo), Bea Alonzo (One More Chance), Cherry Pie Picache (Foster Child), Judy Ann Santos (Sakal, Sakali, Saklolo), Maricel Soriano (A Love Story), and Lorna Tolentino (Katas ng Saudi).

Limang pinaka-supportive sa PMPC movie scribes ang nominado, pero isa nga lang ang tatanghaling Darling of the Press sa taong ito ng 24th Star Awards for Movies. Sino kaya kina Dingdong Dantes, Allan K, Luis Manzano, Diether Ocampo, at Regine Velasquez, ang pinaka-"Darling" sa gabi ng Star Awards?

Ang 24th Star Awards for Movies ay produksiyon ng GARP Events Productions, sa direksiyon ni Arnel Natividad. May malalaking musical production numbers, sa pamamahala (choreography) ni Ms. Maribeth Bichara.