Rhian Ramos appreciates kind words from "My Monster Mom" director Jose Javier Reyes

Ruel J. Mendoza
Wednesday, June 18, 2008 @ 11:55AM  |  11 views

 

"Natutuwa ako because may mga tao pa rin na tulad ni Direk Joey who has a kind heart at hindi basta nag-judge ng pagkatao ng sinuman," says Rhian Ramos.

Photo By: Noel B. Orsal














Nagpapasalamat si Rhian Ramos sa magandang sinabi sa kanya ng award-winning film director na si Jose Javier Reyes sa press conference ng My Monster Mom.

Sabi kasi ni Direk Joey, hindi raw dapat na hinuhusgahan si Rhian because of what has been written about her by other people. Dapat daw na makilala munang mabuti si Rhian as a person because para raw kay Direk, Rhian is a person with a kind heart for everybody. 

Hindi raw inaasahan ni Rhian na ipagtatanggol siya ni Direk Joey sa mga issues na naglalabasan sa kanya lately.

Ani Rhian, gusto pa niyang makilala si Direk Joey dahil hindi naman daw kahabaan ang role niya sa My Monster Mom. Si Rhian ang gumanap na young Annabelle Rama sa pelikula.

"The few times nga na nakasama ko si Direk Joey sa set, he's such a nice person and he's very funny. Walang boring na moment sa set ng pelikula namin. Parang we were just having fun most of the time.

"It's my first time to work with Direk Joey and I feel na matagal na kaming nagwu-work together. Maganda ang vibes namin with one another.

"Kaya when he said those nice words about me sa presscon, gusto kong umiyak, because here's somebody na kelan ko lang nakilala pero hindi ako hinusgahan kahit na alam niyang I have these outrageous issues.

"Natutuwa ako because may mga tao pa rin na tulad ni Direk Joey who has a kind heart at hindi basta nag-judge ng pagkatao ng sinuman."

Hindi pa rin natatapos ang mga detractors ni Rhian at patuloy pa rin siyang ginagawan ng mga intriga. Kelan lang ay may kumalat na naman sa Internet na mahabang letter at tinira si Rhian sa pag-iyak nito sa Showbiz Central.

Ayon sa kumakalat na "poison letter" ay wala raw katotohanan ang mga kinuwento ni Rhian at ngayon daw ay nagtatago siya sa social networking website na Facebook with an account name na Rigga Howell.

May isang rich and good-looking guy raw named Simon Atkins na type na type daw ni Rhian kaya sa ibang pangalan siya nagtatago.

"Ayoko nang sagutin ‘yan because I've aired my side already sa Showbiz Central. I told myself na that will be the last time na ipagtatanggol ko ang sarili ko. Ayoko na silang patulan because the more that I talk about them, the more na natutuwa sila na pinapatulan ko sila.

"Kaya whatever they are spreading right now, bahala na sila. Pinagdarasal ko na lang sila na sana maisip nila na hindi maganda ang mga paninira na ginagawa nila sa akin."

Malapit nang ipalabas ang pelikulang ITALY: I Trust And Love You ng GMA Films, kung saan kabilang si Rhian sa cast. Hinahanda na nga ni Rhian ang kanyang sarili sa mga puwedeng ilabas ulit ng kanyang mga detractors.

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name