"It will take months siguro bago ka makapagsimulang muli if ever I'll go into a relationship again. Bago pa lang yung nakaraan. So, sa ngayon, wala pa sa isip ko yung manligaw or magkaroon ng bagong girlfriend. Magko-concentrate muna ako sa career," declares Victor Basa about his recent breakup with his non-showbiz girlfriend.

Photo: Noel Orsal

Bago pa man mag-artista, isa nang kilalang modelo si Victor Basa. He is being co-managed by ABS-CBN Star Magic and Jonas Gaffud of Mercator Model Management, Inc.

 

Bilang isa sa mga kilalang modelo ng Mercator among the 40-plus contract models ng Mercator, si Victor ang tumatayong ambassador for Mercator Model Management Charity.

 

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Victor sa culminating event ng Mercator Charity Exhibit: Resolution na ginanap sa Mall of Asia noong Lunes, June 16. Sa nasabing exhibit ay makikita ang mga photo shoot ng mga modelo ng Mercator, including Victor na hands-on sa ilang gawain for Gawad Kalinga, Bantay Kalikasan, at Kythe Foundation.

 

Apat na taon na ang Mercator, na isa sa kinikilalang top modeling agency sa bansa, sa pagsasagawa ng outreach projects nila involving all the models na tinatawag nilang "celebration for a cause."

 

Sinabi ni Victor na isang proyekto raw ito na all-out ang suporta niya dahil malaki ang paniniwala niya sa ganitong event. Napag-alaman ng PEP na bukod sa pagiging hands-on, nagpi-pledge din si Victor regularly, especially for the Kythe Foundation na malapit sa puso niya.

 

"Yeah, nagpi-pledge po ako. Pero actually, isang bagay ito na ayoko na sanang ipaalam. So medyo nagugulat nga ako ngayon kung paano n'yo nalaman. Well, yun nga, yung sa Kythe nga ngayon, hindi ako nakapag-hands-on nang pumunta sila. Pero kapag may events naman, as much as possible, nagpupunta ako. Malapit kasi sa puso ko yung mga nandito, kasi I myself lost one member of my family. So alam ko yung pakiramdam," pahayag ni Victor, na humingi muna ng paumanhin dahil halos wala pa raw siyang tulog since he came from a taping.

 

VICTOR FINS ROXANNE SEXY. Mabilis namang itinanggi ni Victor ang kumakalat na balitang nililigawan niya ngayon si Roxanne Guinoo, ang ex-girlfriend ng kasamahan niya sa Coverboys na si Jake Cuenca. Nagsimula lang daw ang isyu nang tanungin siya kung sino sa mga artistang babae ang naseseksihan siya.

 

"Ang nangyari kasi, tinanong nila ako. Then, nabanggit yung pangalan ni Roxanne. Tinanong ako if I find her sexy. Siyempre, ang isasagot ko 'oo' dahil sexy naman talaga siya," lahad ni Victor.

 

Ayaw patulan ni Victor ang isyung nagselos si Jake sa pagkakabanggit niya ng pangalan ni Roxanne dahil kilala raw niya si Jake bilang kaibigan.

 

"Ang tingin ko, nagbibiro lang noon si Jake. At saka siyempre, malalaman ko kung nagselos ba siya. Besides, alam ko na wala na sila. So, wala yun."

 

May kaugnayan daw ito nang mag-sign sila ng kontrata for Calayan as the new endorsers. Naitanong nga yun at pagkatapos niyang sumagot, nag-react daw si Jake.

 

"Alam ko kasing biro lang yun. Sa aming dalawa ni Jake, walang problema. Magkaibigan kami," giit ng model turned actor.

 

Aminado si Victor na fresh from breakup pa lang siya. In fact, two weeks pa lang daw since nag-break sila ng kanyang non-showbiz girlfriend kaya malabo raw na sabihing may bago na siyang nililigawan. Aniya, friends lang daw silang dalawa ni Roxanne.

 

"Friend...nagkaka-text kung minsan. Maybe because pareho kaming galing sa isang relationship, so nagkakakuwentuhan. Pero hanggang ganoon lang yun," paliwanag niya.

 

In the future kaya ay may plano rin siyang ligawan si Roxanne?

 

"Alam n'yo, may period kasi ‘yan," sagot niya. "It will take months siguro bago ka makapagsimulang muli if ever I'll go into a relationship again. Bago pa lang yung nakaraan. So, sa ngayon, wala pa sa isip ko yung manligaw or magkaroon ng bagong girlfriend. Magko-concentrate muna ako sa career."