Lolit Solis confirms ABS-CBN offer to Lorna Tolentino

Julie Bonifacio
Friday, June 20, 2008 @ 06:57AM  |  62778 views

"Ang kontrata niya sa GMA, per program, sa StarTalk lang. Hindi siya exclusive ng network. Kaya nga kapag may offer ang ABC-CBN, tumatanggap siya. Oo, may offer. Tatanggapin namin, bakit hindi?" confirms Lolit Solis about the rumored offer of ABS-CBN to her ward Lorna Tolentino (in photo).

Photo By: Noel B. Orsal













Nagpakita ng suporta sa launching ng Belo Medical Group kay Ruffa Gutierrez bilang bago nilang endorser ang talent manager at kaibigan ni Dr. Vicki Belo na si Lolit Solis. Dito nilinaw ni Manay Lolit ang isyu tungkol sa talent niya at anak-anakang si Lorna Tolentino na kasalukuyang nasa Boracay.

"Ayun, nandudun siya ngayon sa Boracay, kasama ng mga anak niya," lahad ni Manay Lolit nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa Lunes, June 23, na raw ang balik ni Lorna ng Manila.

"Siyempre, di ba? Baka doon na siya maggi-grieve kay Rudy kasi ang tagal-tagal na pala nilang balak ni Rudy na magpunta sa Boracay, pero hindi natutuloy. Kaya ngayon lang nagpunta si Lorna. Very sentimental ang kanyang pagpunta doon," lahad ni Manay Lolit.

Nilinaw rin ni Manay Lolit ang balitang lilipat sa ABS-CBN si Lorna.

"Ang kontrata niya sa GMA, per program, sa StarTalk lang. Hindi siya exclusive ng network. Kaya nga kapag may offer ang ABC-CBN, tumatanggap siya."

May offer daw talaga ang ABS-CBN kay Lorna for some shows.

"Oo, may offer," diretsahang sagot ni Manay Lolit. "Tatanggapin namin, bakit hindi? Bakit si Christopher [de Leon] at si Tonton [Gutierrez] ganun-ganun [palipat-lipat sa dalawang networks]? Kaya okey sa akin."

Anong show ang gagawin ni Lorna asa ABS-CBN?

"Ah, isang teleserye at isang talk show."

Kailan siya pipirma?

"Hindi pa. Balak pa kasi niyang magtrabaho sa August. Baka doon na rin ang pirmahan," sagot ng manager ng aktres.

Alam na ba ito ng GMA-7?

"Hindi," tugon ni Manay Lolit. "Pero kung may magandang offer ang GMA, titingnan niya."

Gusto raw talaga ni Lorna na gumawa ng teleserye sa ABS-CBN.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name