"Sobra akong hangang-hanga sa kanya. Kasi sa lahat ng nangyari sa buhay niya at sa recent event na nangyari, ipinakita niya kung gaano siya ka-professional. Ipinakita niya kung gaano niya pinaninindigan itong trabahong ito na talagang... Ni hindi mo siya makikitang nagmumukmok sa isang sulok. Wala, nakiki-join siyang talaga," says Regine Velasqez about Mark Anthony Fernandez (inset, top), her leading man in Ako Si Kim Samsoon along with Wendell Ramos (inset, bottom).

Photo: Courtesy of GMA-7

Masayang-masaya at kuntento ang singer-actress na si Regine Velasquez sa kanyang bagong second primetime series sa GMA-7, ang Ako Si Kim Samsoon. dahil sa sobra-sobra raw ang suportang ipinagkakaloob sa kanya ng kanyang home network. Mula raw kasi sa production, all-star cast, at lahat ng pag-aabala.

 

Maging ang napakabonggang press conference na ipinagkaloob ng Kapuso network para sa Kim Samsoon kagabi, June 23, sa The Glass Garden, Pasig City, ay patunay ng tiwala at suporta sa kanilang bagong primetime series na magsisimula nang umere sa Lunes, June 30.

 

THREE LEADING MEN. Tatlo ang lumalabas na love interest ni Regine dito sa Kim Samsoon—sina Wendell Ramos who plays the role of Harvey, ang dumurog sa puso ni Samsoon dahil hindi sinipot sa kanilang kasal; si Doc Hayden Kho, na gaganap din bilang doktor; at si Mark Anthony Fernandez na boss ni Samsoon at mag-o-offer sa kanya na magpanggap siyang fianceé nito, kapalit ng malaking halaga.

 

First time ni Regine na makatrabaho sina Mark Anthony at Doc Hayden. Bagamat nakasama na ng Asia's Songbird si Wendell nang minsang mag-guest siya sa Bubble Gang, ang Kim Samsoon ang una nilang pagtatambal.

 

Regine has nothing but good words for her three leading men, although hindi pa raw nakukunan ang mga eksena nila ni Doc Hayden dahil later pa papasok ang character ng doktor.

 

HATS OFF TO MARK ANTHONY. Puring-puri si Regine sa young actor na anak nina Rudy Fernandez at Alma Moreno.

 

"Alam mo, ang bait-bait niya," sambit ni Regine. "'Tapos, nakakatuwa siya kasi napakagalang, napaka-gentleman. I think, one time na-late siya, pero parang mga two minutes lang. Two minutes lang, pero nag-a-apologize siya. ‘Ms. Reg [palayaw ni Regine], sorry.' Parang ako, ‘Ha? Na-late ka ba?' Talagang makikita mo sa kanya yung parang gusto niyang matuto. Gusto pa niyang gumaling. Talagang sobra siyang nagko-concentrate sa trabaho niya.

 

"At saka, yun nga, hats off ako sa kanya. Sa mga nangyari na nga sa buhay niya, hindi lang yung kay Daboy. Pero siyempre, yun na ang pinaka... Pero ang galing nung bata."

 

Sinusuportahan daw nila si Mark nang magbalik ito sa taping after mailibing ang amang si Rudy Fernandez by acting normal on the set.

 

"Alam mo, nakikita ko na malungkot siya, pero tina-try niya na hindi malungkot. Yung trabaho niya, hindi talaga nagbago. At saka kami sa set, ayaw na naming ipaalala talaga sa kanya yun as much as possible. So parang normal lang ulit lahat. Minsan kasi, the more you ano, mas lalo pang nade-depress yung tao.

 

"But like I've said, sobra akong hangang-hanga sa kanya. Kasi sa lahat ng nangyari sa buhay niya at sa recent event na nangyari, ipinakita niya kung gaano siya ka-professional. Ipinakita niya kung gaano niya pinaninindigan itong trabahong ito na talagang... Ni hindi mo siya makikitang nagmumukmok sa isang sulok. Wala, nakiki-join siyang talaga," papuri ni Regine sa kanyang leading man.

 

UNUSUAL PAIRING. Noong unang i-announce na si Mark Anthony ang magiging leading man ni Regine dito sa Kim Samsoon, marami ang nag-alinlangan na baka hindi mag-click ang kanilang tambalan. Pero sinabi ni Regine na habang tumatagal ang kanilang taping ay lumalabas na ang chemistry sa pagitan nila.

 

"Actually, narinig ko rin ‘yon na parang, ‘Bakit silang dalawa? Parang hindi bagay.' Kasi yung role talaga, mas matanda talaga yung babae and the guy has to be really younger. Nung umpisa, naiilang ako ng konti, I must admit. Nahihiya ako ng konti sa kanya [Mark Anthony]. I'm sure siya rin nahihiya rin sa akin nung una.

 

"Pero merong time na nakita ko na nag-uumpisa na kaming magkaroon ng rapport... Meron kaming isang eksena na binubugbog namin ang isa't isa na parang nag-loosen up na kaming dalawa. We're comfortable with each other already. We're starting to have chemistry, nagkakaroon na kami ng sarili naming... Di ba yung mga love team, team talaga, may team talaga sila. So, nag-uumpisa na kami doon. Parang nararamdaman ko na ‘yon na nagkakaroon na kami ng rapport.

 

"'Tsaka he's a very good actor. He's willing to provide anything and everything. Hindi mahirap katrabaho yung ganoon. Ako ngayon, I feel very comfortable with him already. Kahit ano ipagawa sa akin, gagawin ko kasi alam ko na comfortable na rin siya sa akin," mahabang pahayag ni Regine.

 

PART OF THE BARKADA. Sa case ni Wendell, although first time lang din nilang magtambal sa isang show, hindi na raw iba si Wendell kay Regine dahil matagal na itong kasama at kaibigan ng boyfriend niyang si Ogie Alcasid sa Bubble Gang.

 

"It's my first time to work with him, pero I've known him, matagal na... Parang part na ng barkada namin ‘yang si Wendell. Si Wendell naman, siyempre magaling. Yun naman, kahit anong ibigay mo na project sa kanya, magaling talaga," saad ni Regine.

 

Ang Ako Si Kim Samsoon ay hango hit Koreanovela na My Name Is Kim Sam Soon. Ginagampanan dito ni Regine ang papel ng isang magaling na baker na pinoproblema palagi ang kanyang weight at desperadang makahanap ng mapapangasawa dahil tumatanda na siya.

 

In real life, bagamat magaling magluto at mag-imbento ng kung anu-anong pagkain si Regine, feeling daw niya, hindi niya talaga forte ang baking.

 

Additional report by Erwin Santiago