Eugene Domingo sees no issue in accepting GMA-7's "Kim Samsoon"

Ruel Mendoza
Wednesday, June 25, 2008 @ 10:34AM  |  16075 views

 

"Wala naman akong kontrata sa Dos kaya okey naman na gawin ko itong show sa GMA-7. Nagpaalam naman ako sa mga dapat kong paalaman sa kabilang channel. Walang problema sa kanila. Alam nila na this is work, at gusto ko na marami akong nakakatrabaho na mga artista," explains Eugene Domingo about accepting GMA-7's Ako Si Kim Samsoon.

Photo By: Noel Orsal














Overwhelmed si Eugene Domingo nang tanggapin niya ang kanyang award as Best Supporting Actress sa 5th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (EnPress) na ginanap sa Zirkoh Greenhills kagabi, June 24. Nanalo si Eugene para sa pelikulang Pisay, isa sa mga indie films na ginawa niya last year.

Sa tagal na niyang nag-aartista sa entabldo, TV, at pelikula, ngayon lang daw naramdaman ni Eugene na accepted na siya dahil sa mga acting awards na natatanggap niya. Sa nakaraang 2007 Metro Manila Film Festival ay nanalo rin siyang Best Supporting Actress para naman sa Bahay Kubo.

"Nakakataba ng puso kasi nga ang tagal ko nang performer. Pero kapag nabibigyan ako ng recognition, iba ang feeling. Lalo na kung galing sa isang credible na group na alam nila ang mga pinapanood nila.

"Nakita ko naman ang mga pass winners nila, magaling silang pumili ng winners nila. Kaya I feel so blessed na sa mga nakalaban ko sa category na Best Supporting Actress, ako ang napili nilang bigyan. Kaya ipagmamalaki ko na bigay sa akin ng EnPress ito," pahayag ni Eugene.

Tamang-tama ang award ni Eugene dahil kasama siya sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Ako Si Kim Samsoon na pinagbibidahan ni Regine Velasquez. Ang role niya rito ay si Chef Dina na nanay-nanayan ni Cyrus (played by Mark Anthony Fernandez).

NO CONTRACT WITH ABS-CBN. Naging issue ang biglang pagpasok sa GMA-7 ni Eugene, na mas nakilala sa bakuran ng ABS-CBN. Pero ayon sa aktres, trabaho lang daw ang lahat para sa kanya.

"Wala naman akong kontrata sa Dos kaya okey naman na gawin ko itong show sa GMA-7," paliwanag niya. "Nagpaalam naman ako sa mga dapat kong paalaman sa kabilang channel. Walang problema sa kanila. Alam nila na this is work, at gusto ko na marami akong nakakatrabaho na mga artista."

Hindi rin maiwasan na itanong kay Eugene kung tinanggap niya ang offer ng GMA-7 dahil mas maganda ang alok na talent fee sa kanya.

"Sabihin na lang natin na gusto kong mag-ipon at magkaroon ng sarili kong bahay. Maganda ang offer ng GMA-7. Hindi ko naman tatanggapin ito kung hindi maganda ang alok nila, di ba? Like what I said, work lang ito. Nagkataon na maganda ang trabaho na bigay nila.

"Hindi naman na ako bago sa GMA-7 kasi gumawa na ako sa GMA Films, di ba? Nakasama ako sa The Promise tapos itong I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You). So maayos silang katrabaho at enjoy ako sa mga nakakatrabaho ko dito," pahayag niya.

Hindi ba siya pinigilan ng ABS-CBN nang malaman nilang gagawin niya ang Ako Si Kim Samsoon? Wala ba silang inalok na TV show sa kanya o kontrata man lang?

"How I wish na ginanun ako, di ba?" sabay tawa niya. "Hindi naman ako big star para pigilan nila. ‘Tsaka alam nila na hindi ako naghahanap ng kontrata. Kung trabaho, trabaho lang talaga. Nagkataon na wala naman din silang offer ngayon kaya I see nothing wrong na tanggapin ko ang show dito sa GMA-7."

NO ISSUE WITH DIREK WENN. Pinabulaanan ni Eugene na may problema sila ng mentor niyang si Direk Wenn Deramas kaya siya nag-ober da bakod sa GMA-7.

"Hindi naman totoo ‘yon. Kami pa ni Direk Wenn, e, para na kaming magkapatid niyan. Sa tagal ng samahan namin, hindi kami basta nagkakaroon ng problema. Alam din ni Direk Wenn itong pagtanggap ko ng show sa GMA-7. Hiningan ko rin siya ng advice at sinabi naman niya na okey lang kasi work lang naman lahat.

"Kung magkaaway kami ni Direk Wenn, sana hindi na niya ako isinali sa part two ng Ang Tanging Ina. Kasama pa rin ako sa main cast bilang best friend ni Ai-Ai delas Alas. Kaya walang problema with him, even with Star Cinema," paglilinaw ni Eugene.
1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name