Boy Abunda tells what really happened in the "credit card incident"

Julie Bonifacio
Thursday, June 26, 2008 @ 03:24PM  |  72418 views

 

"Totoo bang hindi in-honor [ang credit card ni Gretchen]? Totoo po yun. Totoo po yun na nangyari sa isang restaurant. Totoong sinubukan po ng cashier. IIang beses sinubukang i-swipe ang card, hindi po nag-work. Totoo, pero hindi ang dahilan ay pinutol. May problema ang magnet nung machine. Totoo na dumating si Tonyboy. Tinawagan agad ni Gretchen," explains Boy Abunda about the "credit card incident" that involved his talent and friend Gretchen Barretto.

Photo By: Noel Orsal













"Sa aking paningin naman, malapit lang ang bahay nila. Puwede siyang magpakuha ng pera. Pero na-realize ni Gretchen na kahit pag-isipan si Tonyboy ni Gretchen na ipinaputol ang card, it was not fair to Tonyboy because Tonyboy will never do it.

"Wala sa karakter ni Tonyboy na gawin ang ibinibintang sa kanya. So, hindi malayo na nagalit talaga si Tonyboy dahil sa pinag-isipan siya—huwag na nating isali ang ibang tao—ni Gretchen, na ipinaputol ang card. Pero naayos yun.

"Nagkagalit ba sila doon? Nagpalitan ba sila ng nga salita? Possible! Because it was a very tense situation but it is true. Pero ang hindi totoo, yung ipinaputol. Hindi totoo ‘yan, Hindi totoong magkahiwalay. Magkasama sila as we talk. Magkasama sila sa bahay."

"WE OWN THE BANK." Totoo rin ba na sinabi ni Gretchen ang linyang "That cannot be. We own the bank!"

"I will not confirm that, I will not deny that because I don't know. Hindi ko alam kung sinabi niya yun," sagot ni Boy.

May lumabas din kasi na parang sinabi ni Gretchen na "napapagod" na siya.

"Hindi imposible na napapagod, hindi imposible na nasasaktan. E, alam mo naman ang buhay natin. Pero minsan gumigising tayo kinabukasan na panibagong lakas na naman ang baon. It is possible."

May balita rin na minura raw ni Gretchen ang editor-in-chief ng PEP at YES! magazine na si Jo-Ann Maglipon dahil sa lumabas na insidente tungkol sa credit card. Totoo ba?

"'Yan ang hindi ko alam. I am not privy to that because Jo-Ann and Gretchen have a personal relationship outside of me. Kaibigan ko rin si Jo-Ann. Kaibigan at talent ko si Gretchen. Hindi ako privy sa kung ano nangyayari sa kanila."

THE SOURCE. Ang tinuturong nagkalat ng balita ay ang alalay ni Ruffa na si Jaye Bautista. Si Jaye nga ba ang source?

"Again, I will go back to the point na immaterial na kung sino ang source. Ang pinag-uusapang isyu, totoo yung pinanggalingan ng balita. Sobra lang ang detalye. Pero yung card po, ginagamit na ulit ngayon. Dahil may problema sa magnet [ang machine ng restaurant]. Kasi doon sa kuwento na yun may bahagi na totoo, may bahagi na sobra.

"To me, it's immaterial kung saan ang pinaggalingan, e. Kasi ina-admit na namin na totoong nangyari. Hindi namin idine-deny, e."

« Prev  1  2  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name