PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban does not make expectations on boyfriend Derek Ramsay

Angelica admits attraction to Dingdong Dantes's personality.
by Julie E. Bonifacio
Published Jun 29, 2008
"Hindi ko pa alam. Kasi never siyang pumasok sa isip ko. Kasi yun ang natutunan ko sa kanya [Derek], never mag-expect. Never kaming magpaplano. So siguro kung dumating yun, hindi ko rin alam kung ano ang magiging pakiramdam ko, di ba?" replies Angelica Panganiban when asked what she would do if boyfriend Derek Ramsay proposed to her.

Natutuwa ang Kapamilya young actress na si Angelica Panganiban at nabigyan siya ng opportunity na makasama ang prime artist ng GMA-7 na si Dingdong Dantes sa isang endorsement ng Mario D'boro.

"Nakaka-flatter din dahil marami namang puwedeng iba tapos ikaw yung napili. Masayang-masaya ako," bungad ni Angelica sa launching nila ni Dingdong as endorsers of the local shoe brand.

Bago rin ang haircut ni Angelica nang humarap siya sa launching. May kinalaman ba si Dingdong sa pagpapagupit niya ng buhok?

"May konti... Hindi, actually, siya ang dahilan kaya ako nag-ribbon!" biro niya.

Hindi ba nate-threaten ang boyfriend ni Angelica na si Derek Ramsay nang malaman nito na si Dingdong ang makakasama niya sa Mario D'boro?

"Hindi. Sabi lang niya, ‘Ingat,'" biro ni Angelica.

Kung hindi depression ang dahilan ng bago niyang hairstyle, hindi kaya senyales ito na magpapakasal na siya kay Derek?

"E, ‘pag wedding, dapat mahaba ang hair," sabi naman ni Angelica. "Para sa role ko 'to sa Iisa Pa Lamang. Pinili ko talaga na magpagupit para mag-fit sa character na gagawin ko doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang attraction sa kanya ni Dingdong?

"Yung buong pagkatao niya nakaka-attract. Unang-una, yung attitude niya pagdating sa trabaho. Physically naman, yung mata niya," sagot ng young actress.

Hindi raw nakita ni Angelica ang billboard ni Dingdong for Bench, kung saan nakasuot siya ng underwear. Pero minsan daw ay nadadaanan niya sa TV yung programa ni Dingdong.

Dagdag niya, "'Tapos minsan may nagkukuwento sa akin."

Nakasama na ni Angelica sa movie na Mano Po 3 ang girlfriend ni Dingdong na si Karylle at nag-shooting pa sila mismo sa China. Magkakasama rin sina Dingdong at Angelica bilang endorsers ng Bench underwear. Ano ang masasabi niya sa pictorial ni Dingdong for Bench?

"Sabi ko, class, Taray!"

ZANJOE & MARIEL. Sa isang interview naman ni Mariel Rodriguez sinabi niya na okey lang sa kanya na ma-attract ang rumored boyfriend niya na si Zanjoe Marudo kay Angelica. Magkasama ngayon sina Angelica at Zanjoe sa episode ng Your Song sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya mahal na mahal ko si Mariel," reaksiyon ni Angelica. "E, siyempre mabuting kaibigan kami ni Mariel kaya kayang-kaya niyang sabihin yun. E, siguro bilang ganti, ganun na lang din ako sa kanya. Kung sakali man, knock on wood, kung may mangyang hindi maganda sa amin at magka-crush siya [Derek], kay Mariel na lang."

Hindi siya masasaktan?

"Hindi, crush lang naman, e. Kaya nga sabi ko, hanggang crush lang. ‘Tapos kung huwag naman sana, hindi kami magkatuluyan, mas mabuting si Mariel na lang siya magkagusto."

BREAKUP RUMOR. Tamang-tama naman at may lumabas na balitang nag-break na sila ni Derek. Totoo ba ito?

"Hindi ko nga alam, e," sabi ni Angelica. "May nagtanong nga sa akin niyan. Actually, nitong past few months, wala naman kaming pagtatalo na, wala kaming kahit na anong nangyari na para bang nag-away kami or nahiwalay kami. Wala kaming isyung ganun, kaya nakakagulat."

Last week ay naglaro sa isang international Frisbee competition si Derek, kung saan nanalo ang team ng boyfriend ni Angelica.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Oo, sa Shanghai. Sinurprise ko siya sa Shanghai. Siyempre, natuwa siya nung sumunod ako sa kanya. First time niya kasing mag-captain ng isang team. Kaya gusto ko talaga siyang suportahan. Kaya nung na-pack-up yung isang taping ko nung Friday [June 20], kumuha ako ng last flight out papuntang Shangai.

"Dumating ako nung Monday [June 23], 6 a.m. Nauna pa rin ako kasi may taping ako ng Monday. ‘Tapos dumiretso ako ng trabaho. Siya [Derek], dumating nung Tuesday morning [June 24]," lahad ni Angelica.

Sobra raw kasi ang pagkahilig ni Derek sa Frisbee.

"Ay, sobra! Iniiyakan na niya yun."

Ilang taon na ba sila ni Derek?

"Magtu-two years. Magtu-two years na kaming magkakilala, pero magwa-one year pa lang kami," sabi niya.

Ano ang plano nila?

"Hindi pa namin alam," sabi niya. "Pero sana makapag-out of the country kami kung kakayanin ng schedule."

LIBERATED SET-UP. Merong nagsasabi na masyadong liberated ang set-up ng relasyon nila ni Derek. Ano ang comment ni Angelica rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, masaya kami. Siguro malungkot sila," natatawang sagot ni Angelica.

Kapag nag-propose sa kanya si Derek nang bonggang-bongga, ano ang gagawin niya?

"Hindi ko pa alam. Kasi never siyang pumasok sa isip ko. Kasi yun ang natutunan ko sa kanya [Derek], never mag-expect. Never kaming magpaplano. So siguro kung dumating yun, hindi ko rin alam kung ano ang magiging pakiramdam ko, di ba?" pagtatapos ni Angelica.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko pa alam. Kasi never siyang pumasok sa isip ko. Kasi yun ang natutunan ko sa kanya [Derek], never mag-expect. Never kaming magpaplano. So siguro kung dumating yun, hindi ko rin alam kung ano ang magiging pakiramdam ko, di ba?" replies Angelica Panganiban when asked what she would do if boyfriend Derek Ramsay proposed to her.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results