PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Barretto returns to primetime drama via "Iisa Pa Lamang"

Claudine explains her 10-minute kissing scene with Gabby Concepcion.
by Julie E. Bonifacio
Published Jul 1, 2008
Claudine Barretto proudly guarantees that watching Iisa Pa Lamang is like watching a movie.

Pagkatapos ng isang taon, balik naman si Claudine Barretto sa paggawa ng mala-higante at de-kalibreng teleserye, ang Iisa Pa Lamang. Ito ang kanyang ika-pitong teleserye bukod pa sa sineseryeng ginawa niyang Maligno. Eksklusibo siyang nainterbyu ng host ng The Buzz na si Ruffa Gutierrez.

"'Eto na po, ibinibalik na namin yung drama sa primetime. Pinaka-comeback ko sa teleserye na drama sa primetime. After I gave birth kasi, Maligno was a sineserye. Yung atake namin sa istorya, [ng Iisa Pa Lamang] ‘pag pinanoood mo, parang pelikula," pahayag ni Claudine sa The Buzz.

At sa kauna-unahang pagkakataon, ipapareha si Claudine sa nagbabalik-showbiz na si Gabby Concepcion at mayroon daw siyang kissing scene na, ayon sa mga nakapanood ng taping, ay umabot ng ten minutes.

"Hindi ko tina-time! Hindi ko alam sa kanila kung gaano katagal," kasunod ang malakas na tawa ni Claudine.

Nagpaliwanag naman si Claudine kung bakit tumagal ang pagkakakuha ng kissing scene nila ni Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Iba-ibang angles. Yung difference lang ng teleseryeng ito..." sabay singit ni Ruffa at pinapa-explain kay Claudine kung bakit umabot ng ten minutes ang kissing scene nila ni Gabby.

"Hindi ko alam. Sobrang guwapo pa rin. Ha-ha-ha!"

"Mabango [si Gabby]?" tanong ni Ruffa kay Claudine.

"Sobra! Palaging naliligo sa set! Mga four [times]!"

Bukod kay Gabby, may kissing scene din daw si Claudine sa isa pa niyang leading man sa teleserye na si Diether Ocampo. Umabot naman daw ng seven minutes ang kissing scene nila.

"What? Ha-ha-ha!

"I really don't know. Ha-ha-ha! Akala ko kay Gabby," nalitong bulalas ni Claudine sa pagtatanong ni Ruffa.

Makakasama rin ni Claudine ang respetadong aktres na si Ms. Susan Roces sa Iisa Pa Lamang.

"I was so happy. Kasi, that's why I did Maligno also because it was a Susan Roces Collection. Sobrang full of wisdom. I learned so many things form her."

Magsisimula ang Iisa Pa Lamang sa July 14. Special birthday treat daw ito ng aktres para sa kanyang mga tagahanga. Kasabay din nito ang birthday celebration ni Diether sa July 19 at ang dalawa pa niyang Kapamilya—ang asawang si Raymart Santiago na ka-birthday ni Claudine sa July 20, at ng anak nila na si Baby Santino sa July 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At the same time, Christening pa niya. Kaya kami ni Raymart, sa birthday namin, hindi ko alam kung anong gagawin namin. Pero yun na lang," huling wika ni Claudine.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto proudly guarantees that watching Iisa Pa Lamang is like watching a movie.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results