"As much as possible, we kept it very private. Kasi sa work namin, ayaw naming makaapekto sa trabaho ng bawat isa. Like for example, alam ng tao na kayo, ‘pag nag-away kayo o nagkaroon ng tampuhan, alam ng lahat," Victor Basa explains why he and Valeen Montenegro kept their relationship secret.

Photo: Noel Orsal

Consistent si Valeen Montenegro sa pagsasabing nanliligaw lang sa kanya si Victor Basa. Pero sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Coverboys member recently, inamin nito na tapos na nga ang 10-month relationship nila ng mestisang young star.

 

In fairness to Valeen, inamin din ni Victor na both of them agreed on keeping their relationship discreet muna.

 

"As much as possible, we kept it very private. Kasi sa work namin, ayaw naming makaapekto sa trabaho ng bawat isa. Like for example, alam ng tao na kayo, pag nag-away kayo o nagkaroon ng tampuhan, alam ng lahat."

Nauwi sa breakup ang relasyon nila, but who initiated the breakup?

 

"Alam ko na di maniniwala ang mga tao sa isang mutual breakup but yun talaga ang nangyari. We weighed the advantages and disadvantages, kasi siyempre ako, may work, Siya may work din and nag-i-school din siya. Ang sinabi ko sa kanya, she has to focus on her schooling and sa career niya and she also realized that. The good thing is that we're still friends."

Sa mga interviews kay Valeen, sinabi nitong ayaw muna nitong makipagrelasyon dahil strict daw ang parents niya. Tinanong ng PEP kay Victor kung naging issue ba ang pagiging istrikto nga ng parents ni Valeen sa relasyon nila.

 

"It never became an issue. I love her parents," sagot ni Victor.

 

SEEN WITH ROXANNE. Nabalita rin na kung may Bea Alonzo daw si Jake Cuenca, si Victor naman daw ang pumoporma kay Roxanne Guinoo ngayon. Hindi naman itinanggi ng model turned actor na crush niya si Roxanne, pero sa ngayon ay di siya nanliligaw sa aktres kahit pa nga minsan ay lumabas na sila.

 

"I like her, sobrang bait niya, sobrang maalaga but yung manligaw, hindi. Nag-Starbucks kami one time then we went to Rockwell. She's with her assistant, nagkaayaan lang nung nagkita kami sa ABS. Saka when we're together, di namin napag-uusapan ang mga sobrang seryosong bagay or kahit si Jake, puro light stuff lang.

 

"Saka fresh pa yung breakup namin ni Valeen, siya naman kay Jake. May tinatawag na three months grace period. Kailangan yun para maiwasan yung love in a rebound."

Hindi kaya malaking factor din kung bakit hindi maligawan ni Victor si Roxanne ay dahil kasama niya sa Coveboys ang ex ni Roxanne na si Jake?

 

"Kasi si Jake, close kami niyan, kailangan ko siyang kausapin bilang respeto lang. Magkaibigan kami," pag-amin naman uli ni Victor.