PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ciara Sotto back home for two-week vacation and album launching

Ciara plans to launch her album while she's in the country.
by Rose Garcia
Published Jul 2, 2008
Singer-actress Ciara Sotto arrived in the Philippines last June 30 after a year-and-a-half year stay in Las Vegas. Ciara will be in the country for only two weeks.

Noong June 30 ay bumalik ng Pilipinas ang singer-actress na si Ciara Sotto after a year-and-a-half niyang walang uwian sa Pilipinas since she went to Las Vegas. Eksaktong dalawang linggo lang si Ciara sa bansa kaya, as much as possible, gusto raw niyang masulit ang bakasyon na ibinigay sa kanya.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ciara a day after na dumating dito, sinabi niyang she's very happy that finally she gets to see her home, her family, and friends.

Hindi pa raw niya alam kung anong mga trabaho ang maisisingit sa pag-uwi niya dahil ngayong araw na ito (July 2) pa lang niya malalaman kung anu-ano ang showbiz commitments na kailangan niyang puntahan.

So far, all she wants to do is have fun at makasama ang matagal niyang hindi nakita at naka-bonding na pamilya at kaibigan. Pero happy naman siya na kahit hindi siya ang nakakauwi sa bansa, every now and then ay binibisita siya ng kanyang pamilya sa Las Vegas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALBUM LAUNCH. Isa sa siguradong gagawin niya while in the country ay ang launching ang kanyang album under BMG Records. Lahat ng mga kantang nakapaloob dito ay ginawa niya sa Las Vegas sa supervision ng kanyang daddy na si dating senator Tito Sotto.

Excited at proud si Ciara sa bagong album dahil may composition dito ang sikat na international singer na si David Pomeranz., ang "Where Do We Go From Now?"

Siguradong sa pag-uwi ni Ciara sa bansa, magkakaroon na rin ng kasagutan ang ilan sa mga isyung naglabasan while she was in Vegas, tulad ng biglang paglabas ng intrigang breast exposure daw niya sa show nilang Fever, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nasisimulan.

BIRTHDAY GIRL. Incidentally, ngayong araw, July 2, ang mismong 28th birthday ni Ciara.

Last year ay sa Las Vegas siya nag-celebrate, kung saan isa sa mga naging birthday surprise niya ay ang pagdalaw ng non-showbiz boyfriend niya ng ilang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

When PEP talked to Ciara yesterday, ang alam daw niya, magkakaroon lang ng lunch sa bahay nila sa White Plains with her family. Posible rin daw na mag-dinner sila ng non-showbiz boyfriend niya. Pero ani Ciara, anything can happen dahil baka biglaan ay magkaroon din siya ng simple party with family and very close friends.

Isa raw sa plano ni Ciara ngayong pag-uwi niya ay ang maglaan ng kahit ilang oras with her loyal fans dahil natutuwa raw siyang kahit wala siya sa bansa, ramdam na ramdam pa rin niya ang suporta ng mga ito.

Aktibo man siya o hindi sa kanyang showbiz career, pinapahalagahan ni Ciara ang kanyang fans dahil may sarili siyang party para sa mga ito tuwing birthday niya o tuwing Pasko.
Read Next
Read More Stories About
Ciara Sotto,  Tito Sotto
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actress Ciara Sotto arrived in the Philippines last June 30 after a year-and-a-half year stay in Las Vegas. Ciara will be in the country for only two weeks.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results