Naiiba ang gagawing 40th birthday celebration ni Dingdong Avanzado sa Teatrino, The Promenade, Greenhills, San Juan City on July 5, Saturday, ganap na 7:30 ng gabi. Instead of a party, magko-concert siya with the proceeds going to two charitable institutions.
"Kaya kami nagbalik dito sa Pilipinas, part of the reasons is to celebrate my 40th birthday. I'm turning 40 this year and siyempre gusto ko rito sa Pilipinas. For me, that's a milestone in my life. So kaya dapat ay dito," panimula ng mister ni Jessa Zaragoza sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang restaurant sa Greenhills.
"Of course marami na rin kaming kaibigan sa Amerika, pero mas gusto ko rito. Kasi, kahit naman nasa ibang bansa ka na ang puso mo, narito pa rin at dito na kami nagkapangalan, e.
"So, sa July 7 ang birthday ko, pero sa July 5 ko gagawin yung concert sa... Kasi tinanong ako ni Jessa noong nasa States pa kami kung paano ko raw gusto i-celebrate ang 40th birthday ko. Nag-isip muna ako and sabi ko, ‘Right now, honey, honestly, I really could not ask for anything more. We've been blessed with a very good life, not everybody is given this opportunity na makatira sa Amerika, makaikot ng buong mundo, mayroon tayong anak and maayos ang pamilya natin at kumportable ang buhay natin.
"Hindi matutumbasan ng pera iyon, e, Kaya sa 40th birthday ko, I want to do it by doing what I love to do, which is to sing. Performing, really. But this time I don't want to do it para kumita, kasi sa Amerika, yun ang ginagawa namin. So, instead of my friends giving me gifts for my birthday—which I'm sure most of them will—let's just, in lieu of gifts, give it to charity. It's our way of giving back...what God has given us," mahabang esplika pa ni Dingdong.
"Kasi kung magpapa-party ka, parang gumastos ka na rin naman nun, e. So, gawin na lang na concert," pagpapatuloy pa niya.
"Imbitahin mo yung mga kaibigan mo, mga kamag-anak mo, and imbes na magbigay ng regalo, magbigay na lang sa charity.
"Kasi before we got married noon, may pinili kaming charity, yung Make a Wish Foundation at saka World Vision. Both are special to us, lalo na yung Make a Wish na yung dying wish ng bata was to meet her. And she did it, and Igot really moved there. Ano ko kasi iyan, basta sa bata. So, I don't know...yun kasi ang naiisip namin. Marami kasing charitable institution na nangangailangan ng tulong. So, siguro, we'll probably give dun sa dalawa na iyon.
"But we'd also like to give to other institutions, like si Jessa, mayroon siyang kapatid na doctor sa East Avenue na ang hina-handle ay mga terminally ill na bata. And yung ibang toys ni Jayda [his 5-year-old daughter] ibinibigay na rin namin. Ang dami-dami naman niyang toys, e. Itinuturo ko sa kanya na maraming kapus-palad doon na mas kailangan iyon at naiintindihan naman niya iyon."
WHEN IS THE NEXT BABY? Inusisa naman ng PEP si Jessa kung kailan nila balak sundan ang cute na cute nilang anak.
"Wala pa, pero kung dumating, okey lang. Pero kung ano, baka next year," sagot ni Jessa.
"Niloloko nga ako ni Dingdong, ang birthday gift ko raw sa kanya ay baby. Sabi ko, palibhasa hindi ikaw ang nagbubuntis, e. Wish ko lang, ma-feel niya yung pakiramdam ng nagbubuntis," nakatawang sabi ng singer-actress.
"Gusto niya lalaki raw, para puwede niyang i-wrestling," saad pa ni Jessa.
SURVIVING IN THE U.S. Nagkuwento rin si Jessa tungkol sa isa sa mga negosyo nila sa Amerika.
"Distributor kami ng isang product na isang nutritional beverage," maikling sambit niya.
"Pero sa Philippines hindi pa. Tinanong namin, they want na yung team na magdadala rito, yung group of distributors. Gusto nila naka-achieve ng certain rank sa loob ng business," singit naman ni Dingdong.
"Kami, within the company, kami ang fastest growing Filipino network. So, proud talaga kami roon. Iyon ang maganda sa Amerika, e. Ang daming opportunities, hindi ka limited sa isa lang.
"Kasi ang laki ng...imagine 400 million people and you are talking about two million Filipinos. And you know, the key here is where you position yourself, being at the right place and at the right time.
"You see, America is not for everyone, number one iyan. Pangalawa, depende iyan kung paano ang pasok mo sa Amerika. Not many people, or not everybody, got off the way we started. Pagdating namin doon, a year before pa lang akong na-approved, pumunta na ako, e. Nauna na ako, 2003 pa lang, pumunta na ako roon. I already surveyed kung ano ang maganda roon.
"Bale yun iyong kasagsagan ng real estate and sabi sa akin ng uncle ko, pumunta ako roon at bibigyan niya ako ng opportunity sa real estate. Pero alam ko na may hangganan din iyon, kumbaga ay may cycle din iyon. So iyon yung reason kaya kami tumira sa may Northern California, sa may Vallejo, because yung family ko, nandoon at saka yung opportunity sa real estate na puwede naming pagkuhanan ng extra income.
"But that was not our main source. I told her na kaya kami pumunta sa Amerika, aside from Jayda, nandito ang mga Filipino na puwede kang mag-show, na gutom sa mga show. They really want Filipino entertainment," mahabang esplika uli ni Dingdong.
"Iyon na lang kasi ang mga libangan nila roon, yung mga concert. At saka mas malaki ang natitipid ng producer kung kukuha ng artist from here at pati na yung mga working visas, hindi na problema iyon. Gusto rin kasi naming i-grab yung opportunity habang malakas pa kami, e," dagdag naman ni Jessa.
RUFA MAE QUINTO. Bago kami nagtapos, hindi namin mapigil na usisain kung natuldukan na ba ang gusot sa kanila ni Rufa Mae Quinto.
"Kaya rin naman kami nagsalita before, may reason kung bakit," sagot agad ni Jessa.
"Kasi, kung hindi naman kinakailangang magsalita, kung hindi ito para sa kapakanan ng pamilya namin at future ng anak namin, pababayaan na lang namin ito. Kumbaga, sabi ko nga, kung ang sitwasyon ay kami lang dalawa ni Dingdong na wala pa kaming anak, di tumahimik na lang kami. Pero dahil ito'y kalalakihan ng anak ko, ilang taon na lang ay magkakaisip na siya kung ano yung nasa Internet, nasa dyaryo, kung ano yung sasabihin ng ibang tao.
"Hindi ba bilang magulang, bago mo iisipin ang sasabihin ng mga tao, parang iisipin mo muna kung ano ang sasabihin ng mahal mo sa buhay, lalo na ng anak mo?
"Paano kapag tinanong ka ng anak mo na, ‘Mom, is it true po dati mayroon kayong inagrabyadong tao?' Anong sasabihin mo? Kapag sinabi mong, ‘Anak, hindi totoo iyan' and sinabi ng anak mo na, ‘Kung hindi po totoo, bakit hindi po kayo nagsalita?'
"So, lahat ng ginagawa namin ni Dingdong, para lang talaga sa kapakanan ng anak namin. Wala na kaming ibang iniisip pa.
"Publicity? For what, I mean, para saan?" esplika pa ni Jesa.
Pero, matutuldukan na ba yung misunderstanding nila ni Rufa Mae?
"Sabi ko nga, itong nangyari sa amin, magkakaayos lang siguro talaga kami kapag nag-apologize siya. Oo, mayroon namang chance na magkaayos, at saka I'm sure na lahat naman ay possible, e."
Hindi ba't dati naman silang friends, so it will be easier for them to forgive and forget?
"Friends naman kami, pero hindi naman yung best friend. Hindi naman yung talagang close. Kumbaga, nagkasama lang kami sa pelikula. Parang kasama sa trabaho, yung mga pelikula sa Viva noon.
"And sa akin lang, sino ba namang tao ang gustong may kaaway? So yun lang naman ang hinihingi ko, kapag nag-apologize siya sa amin, yung sinsero na pag-a-apologize, huh?"
Pero hindi ba nagsalita na siya sa TV ng ganoon na, "Sorry na kung nasaktan ko sila dahil tao lang ako"?
"Yeah, napanood ko. Yeah, pero ang tono kasi iba, e. Like yung napanood namin nung nasa States kami, sabi niya...kunwari ako si Rufa Mae, sabi niya, ‘O, sige na, okey na. Sorry na. O, sige na, ako na, para ano na, ako na,' Iyon ba ang sinserong pag-a-apologize?
"Imagine-in mo lang, kunwari mangyari iyon sa iyo, ako si Rufa Mae, ‘tapos sabihin ko sa iyo na, ‘O, sige na, okey na, o sige na, ako na,' tatanggapin mo ba iyon? Ang alam kong pag-a-apologize ng sinsero, yung may mababang loob, yung makikita mo yung remorse, yung pagsisisi. Hindi ba?
"Kasi na-realize mo na mali ka, inaamin mo na mali ka, so handa kang tanggapin kung anuman ang reaction ng taong involved. Pero siguro in God's time, kapag in-allow na ng Panginoon iyon, yun, hopefully."
Hindi pa rin ba sila nagkikita ni Rufa Mae? So, paano nga kung magkita sila?
"Sa akin, kung bibigyan ng pagkakataon, babatiin ko rin siya. Wala namang problema roon. Hindi ko naman siya parang, i-snub-in or... Napaka-childish naman ng ganoon, parang pambata naman iyon, e.
"Pero yun na nga, may mga bagay na dapat pag-usapan kung willing siya. Ako, willing talaga akong makipag-usap sa kanya, anytime, anywhere. Willing talaga ako. Mas maganda kasi iyon kung talagang gusto niyang magkaroon ng closure ito, kasi kapag ano, marami pang makikialam."