PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pauleen Luna and Michelle Madrigal still snubbing each other

Pauleen says "it should happen at the right time."
by Rose Garcia
Published Jul 4, 2008
"Well, siguro po kasi it's better kung hindi na lang po muna mag-usap if hindi naman hinihingi ng pagkakataon. Pero hindi naman po ako nang-iisnab. I think po kasi everything should happen at the right time and at the right place. Kung makikipagbati naman po kasi ang isang tao, why wouldn't I accept it?" says Pauleen Luna (left) about settling a past issue with Michelle Madrigal (right).

Parehong nasa ABS-CBN pa lang noon ang young stars na sina Pauleen Luna at Michelle Madrigal nang magsimula ang isyu sa pagitan nilang dalawa. It all started with JC de Vera na siyang itinuturong dahilan ng away at hindi pagpapansinan nina Pauleen at Michelle. Both Pauleen and Michelle were both romantically linked to JC.

Ngayon, pareho nang nasa GMA-7 sina Pauleen at Michelle, kasama si JC. Bukod dito, pareho rin ng manager sina Michelle at JC, si Annaballe Rama; samantalang si Pauleen naman ay hinahawakan ni Lolit Solis.

Nagkataon naman na last week, halos nagkakasabay ang guesting nina Pauleen at Michelle sa Kapuso shows dahil sa kani-kanilang projects; si Pauleen for Ako si Kim Samsoon at si Michelle naman for My Monster Mom.

Pero base sa mga naglalabasang balita ngayon, hindi pa rin nagpapansinan ang dalawang young actress kahit nagkikita sila sa isang lugar o sa isang show. Ito ay sa kabila ng pareho na silang naka-move on sa kanilang relasyon kay JC at nagkaroon na rin sila ng ibang relationships.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang makita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen ay kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa diumano'y hindi pa rin nila pagpapansinan ni Michelle. Pero halatang ayaw na nitong pahabain pa ang isyu.

"Hindi naman po. Well, siguro po kasi it's better kung hindi na lang po muna mag-usap if hindi naman hinihingi ng pagkakataon. Pero hindi naman po ako nang-iisnab. I think po kasi everything should happen at the right time and at the right place. Kung makikipagbati naman po kasi ang isang tao, why wouldn't I accept it?" pahayag niya.

Sa past interviews naman ni Michelle ay sinabi nitong willing din siyang makipagtrabaho kay Pauleen. Kung papansinin daw siya ni Pauleen ay papansinin din niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Well, siguro po kasi it's better kung hindi na lang po muna mag-usap if hindi naman hinihingi ng pagkakataon. Pero hindi naman po ako nang-iisnab. I think po kasi everything should happen at the right time and at the right place. Kung makikipagbati naman po kasi ang isang tao, why wouldn't I accept it?" says Pauleen Luna (left) about settling a past issue with Michelle Madrigal (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results