Naimbitahan ang last year's World Championship of Performing Arts (WCOPA) Junior Grand Champion Performer of the World na si Aria Clemente upang mag-perform sa opening ceremony at grand finals ng WCOPA na gaganapin sa Grand Ballroom ng Westin Bonaventure, sa downtown Los Angeles.
Muling itatanghal ang WCOPA, also known as "The Hollywood Olympics" mula July 20 to 25.
Another grand champion and Kapamilya Star, Jed Madela, will also perform with Aria.
Sa press conference ng ABS-CBN para kay Aria, sinabi ng 11-year-old Bulakeña na napakalaki na ng ipinagbago ng tingin sa mga Filipino talents abroad simula nang nakapag-uwi sila ng karangalan para sa bansa. Aniya, hindi raw niya makakalimutan when she and other Filipino talents who joined the contest were introduced as talents from "the land of great talents." Contrary raw noong una na marami ang mababa ang tingin sa mga Pinoy.
Sabi naman ni Oliver Oliveros ng WCOPA Team-Philippines, nakalulungkot na sa kabila ng pagkakaroon ng bansa ng mga tunay na grand champions like Aria and Jed, marami pang mga Pilipino ang hindi aware kung gaano kalaking karangalan ang naiuwi nila mula sa isang international competition.
Kaya nga tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Aria kung nararamdaman ba niyang hindi siya kinikilala ng mga kababayan niya?
"Siguro nga po. Kasi, after ng WCOPA, parang feeling ko po...a patriotic [person] never recognized in her own country? Pero okey na rin naman po, kasi after po ng WCOPA, marami na po ang nakakakilala sa akin kapag nagpupunta ako sa mall. ‘Tapos, I'm glad na kilala ako as a singer and not as an artista," sagot ni Aria.
Hindi naman daw siya apektado na may ibang artist na mas nakikilala compared to her na grand champion talaga.
"No naman. Kasi, I watched Lea Salonga's concert, My Life on Stage and I can say na parang, nakaka-relate po ako sa ano niya. Di ba nga po dati, underdog siya? Yun po, nakaka-relate po ako.
"Yung mga Pinoy po kasi, more on, napapansin ko, mas naa-appreciate nila ang TV than musical, which is naiintindihan ko naman po dahil meron rin naman pong mga taong mas gusto ang musical."
Bago umalis papuntang Los Angeles, Aria will launch her first album, ang Sing Like A World Champion Performer sa Linggo sa ASAP. Ilan sa mga kanta rin niya na nakapaloob sa album ay aawitin niya sa opening and closing ceremonies ng WCOPA. Her album is produced by Stages and Star Records, and will also be sold at the launching.
"Yung album ko po, yun po yung selection ng songs na puwedeng makanta ng mga kids na nasa right range nila at may kasama na pong minus one."
AGENT ABROAD. Also last year, after Aria's victory, may nag-offer na sa kanya na maging agent niya sa States para i-represent siya for possible career opportunity abroad, pero, at that time, feeling daw niya, mas gusto muna niyang makauwi ng bansa.
Pero this year, since the offer is still there, baka raw i-try na nga niya ang anumang opportunities na posibleng naghihintay sa kanya sa ibang bansa.
"Gusto ko rin pong i-pursue ang career ko dun. Kasi, meron din pong isang agent na kumuha sa akin, si Mr. Patrick Heart, the director of the WCOPA. Pagpunta po namin doon this year, siguro po, magla-lunch kami with Mr. Patrick Heart para makipag-usap po."





