"Gusto ko rin pong maipakita...like let's say, dati po, maraming ayaw sa akin dahil sa mga naglalabasan. Pero, ganito po talaga ‘ko. Masaya po ako na I will be one of the people who will be representing the Philippines, at sana po, maisip ng mga kababayan natin na I'm doing something good naman for us," says Panky Trinidad who will be flying to Los Angeles, California, for the yearly World Championship of Performing Arts.

Photo: Noel B. Orsal

Ang dating Pinoy Dream Academy (PDA) scholar na si Panky Trinidad ang isa sa ipadadala ng WCOPA Team Philippines for this year's World Championship of Performing Arts sa Los Angeles this coming July 20 para lumaban sa senior division category.

 

Ayon kay Panky, na tila pansamantalang nawala sa limelight after PDA, hindi raw nila maitatanggi—siya at ang iba pang delegates—ngayon na may pressure talaga silang nararamdaman.

 

"For me, yung pressure po, malaki. Kasi, Kuya Jed [Madela] set a standard for us. But anyway, it's good din po kasi, in WCOPA, na-register na sa mind nila ang mga Filipino talents na magagaling.

 

Dugtong pa niya, "We're doing it for the Philippines. At sana po, mabigyan din kami ng recognition, because the same way Manny Pacquiao did, we're also doing the same way for the country," simula nga niyang pahayag sa press conference yesterday, sa Teatrino in Greenhills, San Juan City, para ipakilala ang 15 delegates ng WCOPA Team Philippines.

 

YENG DESERVES IT. Under contract pa rin daw siya sa ABS-CBN Star Magic. Pero aniya, "Hindi pa nga lang po ako nakakapag-release ng album. Wala pa rin naman pong offer, but hopefully, after WCOPA, I can release an album. I have songs compiled na rin po kasi para puwedeng mai-record."

 

Three years na rin daw simula nang maging scholar siya sa PDA season 1, kaya naman naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Panky kung ano na ang mga pinagkaabalahan niya since then?

 

"Hindi ko na rin po masyadong ipinush ang sarili ko. Siyempre po, they were prioritizing Yeng Constantino dahil si Yeng po ang champion which is due her naman po talaga. Kasi she deserves it at pinaghirapan po niya yun.

 

"Pero, hindi na rin po ako nag-push sa sarili ko because, I believe, if there's something out there for me, that is really for me, it will come and... siyempre, hindi naman na kailangang pilitin. So, noong dumating po ang WCOPA, I feel that this is my time to prove to the people what I can do and go there to the United States to prove to them that Filipinos are talented."

 

PAST ISSUE. Inamin naman ni Panky na nakaapekto talaga ang naging isyu sa kanilang mga PDA scholars noon ang diumano'y naganap sa kanila sa Amerika.

 

Aniya, "Opo... nakaapekto po siyang talaga sa akin. Mostly po, hindi naman po kasi talaga totoo.

 

"I know that it's hard to believe because, tumayo pa lang po ako, iisipin ng mga tao na kumain ako ng daga kasi, ang laki ko! But, hindi naman po talaga ako ganoon. Kaya of course, naapektuhan po akong talaga. After po ng mga issue na yun, hindi po ako nagsalita because I felt, hindi ko na kailangang i-defend ang sarili ko, kasi, ganito po yun...

 

"Dalawang klase ng tao lang naman po, yung isa gusto ako at yung isa naman po, ayaw ako. So, kahit magsabi ako ng totoo, hindi pa rin ako papaniwalaan kahit sabihin ko kung ano ang totoo. At saka, kung nagsalita po ako noon, mas magki-create pa po ako ng mas malaking apoy.

 

Sey pa niya, "Ang ginawa ko na lang po noon, nagdarasal na lang po ako. Ipinagdarasal ko na lang siya parang it will all just go away."

 

Ayaw na raw talaga niyang pag-usapan pa at lalong idetalye kung ano yung katotohanan sa intrigang lumabas nga noon when they had a show in the U.S.

 

"Basta ako po, this is my final statement—I have nothing to do with it. And the fact that they said that I drink, well, I don't! Hindi po ako umiinom because I'm allergic to it. So, doon na lang po natin mapagbabasehan yun."

 

May communication pa rin daw siya with her co-PDA scholars, though pinaka-consistent daw with Chad Peralta. Hindi itinanggi ni Panky na nagkaroon kasi sila ng mutual understanding or M.U.

 

HER TIME. With regards to WCOPA, ito raw talaga ang matagal na niyang hinihintay. At sobrang saya nga raw niya when she found out na nakasama siya at nakapasa sa audition.

 

"Sobrang saya ko po!" nakangiting pag-amin niya. "Apart from going there to enjoy and experience, happy po ako kasi, ang nakuha ko pong visa, ten years. So, noong first time akong pumunta doon, two months lang siya. Now, ten years, so, ang saya ko pong talaga!

 

"Gusto ko rin pong maipakita...like let's say, dati po, maraming ayaw sa akin dahil sa mga naglalabasan. Pero, ganito po talaga ‘ko. E, people read papers, so, hindi mo naman masabing hindi ganito ‘yan, hindi ganito yun. So, masaya po ako na I will be one of the people who will be representing the Philippines, at sana po, maisip ng mga kababayan natin na I'm doing something good naman for us."

 

THANKS TO CEBU. Malaking bagay at malaki raw ang pasasalamat ni Panky sa Cebu Province dahil nang lumapit siya rito for financial help, hindi raw siya pinagkaitan ng tulong para magamit nga niya sa pag-join sa Hollywood Olympics.

 

"'Yung Cebu Province po, nagbigay po sila ng malaking amount enough para magamit ko po. Personal po talaga akong lumapit sa kanila, I announced to them that I'll be joining. Siyempre, doon ako nanggaling so, feeling ko, kailangan kong lumingon kunsaan ako nanggaling.

 

"Nagpapasalamat po ako, kasi malaki po talaga ang ibinigay nila."