Willie Revillame reveals relationship with his "mystery date"


 
"Nagugustuhan ko siyang kausap. Ayoko siyang ligawan ‘tapos lolokohin mo lang? Kawawa ito," says Willie Revillame about Nadine Ignacio, his rumored new girlfriend.

Willie Revillame reveals relationship with his "mystery date"

Julie Bonifacio

Rating

Tumawa muna si Willie bago sumagot. "Sabi ko kasi, parang anak ko lang ‘yan. Siyempre nagbiro lang ako."

 

Tiyak na special sa kanya si Nadine dahil ipinakilala pa niya ang CEU student sa mga bigwigs ng ABS-CBN.

 

"O, puwede naman akong magsama ng iba. Pero nagkataon na siya ang nakasama ko."

 

Ang dating daw kasi ay parang isinama ni Willie si Nadine sa kanyang bahay at ipinakilala ang dalaga sa kanyang pamilya.

 

"Kasi puwede talaga siyang pambahay. Tinitingnan ko ang personality. Mahiyain," puri pa ni Willie.

 

CRISTINE & ROXANNE. Nagselos ba ang na-link noon kay Willie na si Cristine Reyes kay Nadine?

 

"Hindi, wala naman kami ni Cristine, e."

 

Sino ang nagbantay kay Willie noong nasa ospital siya?

 

"Dumating si Nadine. Actually, darating siya ngayon. Pinasundo ko. Pero hindi sanay, e."

 

Sa second shooting day ng movie ni Willie na Mr. Housewife ay dumating din si Nadine. Isasama ba niya sa movie niya si Nadine?

 

"Hindi, e. Pero malay natin. Mahiyain kasi, e."

 

Bakit niya pinapunta si Nadine sa set ng movie niya?

 

"Kasi aalis na ako. Sabi ko, ‘Gusto mong manood ng shooting?' Ganun siya. Hindi siya cheap na, ‘Tawagan mo mommy ko. Puwede ikaw magpaalam sa mommy ko?' Probinsyana nga, e."

 

Si Nadine na ba ang babaeng mamahalin niya habambuhay?

 

"Hindi pa. Nagugustuhan ko lang yung pagkatao niya. Hindi ko pa siya nakakasama talaga, e."

 

Hindi kaya nagselos si Nadine kay Roxanne Guinoo na leading lady niya sa Mr. Housewife at natsismis din sa kanya dati?

 

"Hindi naman siguro. Hindi ko naman girlfriend yun, e."

 

Ramdam ba niya na mas tatagal ang pakikipagrelasyon niya kung non-showbiz ang magiging girlfriend niya?

 

"Palagay ko mas ganun ang bagay sa akin. Nag-iiba ka talaga, e, ‘pag nag-iiba na ang buhay mo. Ako, makikita ko, nag-iba ka sa pananaw ng buhay," pagtatapos ni Willie.

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement