Regular na ba niyang dinadalaw si Nadine sa Obando?
"Hindi naman. Once lang...ay, twice lang. ‘Tapos sabi ko, ‘Gusto mong sumama sa akin? Punta tayong debut?' Hindi niya alam na Star Magic ball yun kaya nagulat siya. Wala siyang damit, pinabilhan ko ng damit kay Kat [Katya Montenegro]. Kasi hindi niya alam, e," lahad ni Willie.
Nung mismong araw ba ng affair niya binili yung damit para kay Nadine?
"Hindi, hindi. Dumalaw kasi siya sa ospital ko, e. Pinakuha ko yung sukat. Nasa Internet siya, sa Slimmer's. Seksi, ang gandang babae."
Bakit sinabi niya sa Entertainment Live! na parang anak na niya si Nadine?
Tumawa muna si Willie bago sumagot. "Sabi ko kasi, parang anak ko lang ‘yan. Siyempre nagbiro lang ako."
Tiyak na special sa kanya si Nadine dahil ipinakilala pa niya ang CEU student sa mga bigwigs ng ABS-CBN.
"O, puwede naman akong magsama ng iba. Pero nagkataon na siya ang nakasama ko."
Ang dating daw kasi ay parang isinama ni Willie si Nadine sa kanyang bahay at ipinakilala ang dalaga sa kanyang pamilya.
"Kasi puwede talaga siyang pambahay. Tinitingnan ko ang personality. Mahiyain," puri pa ni Willie.
CRISTINE & ROXANNE. Nagselos ba ang na-link noon kay Willie na si Cristine Reyes kay Nadine?
"Hindi, wala naman kami ni Cristine, e."
Sino ang nagbantay kay Willie noong nasa ospital siya?
"Dumating si Nadine. Actually, darating siya ngayon. Pinasundo ko. Pero hindi sanay, e."
Sa second shooting day ng movie ni Willie na Mr. Housewife ay dumating din si Nadine. Isasama ba niya sa movie niya si Nadine?




