Willie Revillame describes his health condition: "Yung aking intestine, small and large, di ba, colon yun,
magkadikit? May extension yun. May nana. Meron kasi akong sugat sa loob. Kasi
nga, ang sakit natin yung hindi pagkain. Dahil alam mo, ang totoo nun, ang dami
kong ulcer. Ngayon ang problema ko, may scar yung intestine ko. So doon kami
nagko-concentrate. Pero alam mo saan kami nagulat? Yung puso ko may block na
isang ugat."
Main photo shows a portion of the Wowowee host's Tagaytay house.
Willie Revillame admits drafting his "last will and testament"
Tuesday, July 8, 2008
03:21 PM
Rating
Walang nabago sa buhay ni Willie Revillame kahit pa natuklasan niya noong nakaraang linggo ang mga sakit sa katawan. Matatandaang inanunsiyo ni Willie noong ika-3 ng Hulyo sa Wowowee ang tungkol sa kanyang sakit sa intestine at puso.
Kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang present state of mind ni Willie.
"Wala, sabi ko lang basta life goes on. Kunwari may na-discover sa akin na cancerous? Ganun ang buhay, e," lahad ni Willie sa set ng comeback movie niyang Mr. Housewife.
Marami ang nagulat nung nagsalita si Willie sa kanyang daily noontime show, matapos niyang maospital ng ilang araw. Nais daw niya na iburol siya sa mismong stage ng Wowowee.
Paliwanag ng 47-year-old host-comedian, "Gusto ko doon sa ano, yung Studio 3 na yun kasi doon ako umangat, doon din ako bumagsak, e. 'Tsaka very historical ‘yan. Nandiyan nag-show noon sina Nora Aunor, Vilma Santos, diyan lahat. So, diyan ang pinakalumang studio ng ABS-CBN...Diyan nagsimula yung D' Sensations, lahat ng mga shows dati ng ABS-CBN na mga noontime at primetime. So, parang part ka na ng history."
Ano ang naging reaksiyon ng ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio sa health condition niya?
"Alam mo, I'm so glad kasi nung time na nalaman nila, pinatawag agad ako ni Ma'm Charo. Nag-lunch kami. Pinaghandaan niya ako ng lunch, kaming dalawa lang. Nag-start kami ng meeting ng 3:00 pm, kaming dalawa lang, natapos kami 6:30 pm," ang kuwento ni Willie.
Pinangaralan ba siya ng lady boss ng ABS-CBN?
"Wala, hindi," ang mabilis nitong sagot. "Never akong pinangaralan noon, kahit biru-biro."
At kahit pa nakakabahala ang findings ng doctor, hindi raw natatakot si Willie sa maaring sapitin niya.
"Para sa akin, ang buhay simple lang," aniya. "Buhay ka, enjoy your life. 'Pag namatay ka, ganun talaga ang buhay. Lahat naman tayo diyan pupunta. Ako lang, what is important ay yung everyday life ko, e. Dapat nag-e-enjoy ako, nag-e-enjoy ang mga manonood."
LAST WILL AND TESTAMENT. Kinumpirma rin ni Willie ang balitang ipinapagawa na raw nito ang kanyang last will and testament.
Sabi ni Willie, "Actually, pinapagawa ko talaga. ‘Tsaka pinapagawa ko at the same time...may mga importanteng tao sa buhay ko na gusto kong ilagay doon na hindi ko kamag-anak. Hindi kasi, nung down ako sa buhay, nandiyan, e. So, hindi ko makakalimutan ang mga taong ‘yun.
"Kung napamahal man ako sa kanila, I don't think na hindi dapat pag-anuhan ng mga anak ko. Kasi nung time na down na down ang tatay ninyo... Kasi yung mga properties ko naman ngayon, fully paid na lahat. Wala akong utang."
Balak niyang ibigay ang mga land properties sa mga anak—tatlong babae at isang lalaki. Ang isa ay ang aktres na si Meryll Soriano, at ang kanyang unico hijo na si Juan Emmanuel, o Juamee, ay anak niya sa dating beauty queen na si Liz Almoro.
Aniya, "Yung Capitol [bahay], regalo ko na kay Meryll. Pinaayos niya. Inaayos na [ang paglipat sa pangalan ni Meryll]... Ganun din, e, bibigay ko rin naman sa kanya lahat yun. Yung sa Tagaytay ko, hati-hati silang lahat na mga anak ko kasi 4,000 square meters yun, e. Malaki yun, e."
Sa pagpapatuloy niya, "Basta magugulat na lang lahat ang mga taong hindi nila ine-expect na meron. Basta meron. Actually, yung last will and testament ko, kaya ko ginawa ‘yan, kasi sa pangyayari sa buhay ko na napakabilis. So, alam mo, baka mabilis lang lahat, e. So, kung meron man akong na-invest ngayon, para sa mga mahal ko sa buhay—una, sa apat kong anak, maghahati-hati yan—‘tsaka yung mga taong importante sa buhay ko, na naging part ng buhay ko, especially yung krisis ng buhay ko."
NEW HOUSE. Kinumpirma rin ng host na lumipat na siya sa bago niyang bahay sa Corinthian Gardens, Quezon City, two weeks ago. Kumusta naman siya sa kanyang bagong bahay?
Sagot niya, "Okey naman. Maganda, maayos. Kasi pinaano ko ‘yan, e, binili ko nang bago [yung bahay], pinagiba ko."
Naikuwento niya na
kasama sa bayad ang bahay na nakatayo sa lote. At nang usisain ng PEP kung
magkano ang ginastos niya sa pagpapatayo ng bagong bahay dito, "12 million" ang amount na binaggit ni Willie. It's like building another house raw kasi.
Ayon pa sa kanya, bale ika-apat
na bahay na niya ang nasa Corinthian Gardens. Hindi pa kasama rito ang nabalitang property niya sa Punta Fuego, Batangas.
- Willie Revillame ignores his critics; says he will continue to bring joy and blessings to Wil Time Bigtime viewers
- ABS-CBN files falsification charges against Willie Revillame
- Willie Revillame asks court to dismiss ABS-CBN counterclaim against him
- Willie Revillame returns to television with a new show this Saturday, May 14
- Shalani Soledad gets surprise birthday party from Willing Willie family
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Marian Rivera on working with Dingdong Dantes: "Mas tumindi kung ano man meron kami ni Dong. Hindi lang as partners...pati friendship namin."
- Comedienne Mosang says she lost P105,000 in a scam
- JC Tiuseco denies rumors he's courting Sarah Lahbati
- Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu
- Saab Magalona enjoys playing a villainess in new series
- Liz Uy keeps mum about rumored romance with Ely Buendia; refuses to comment on PNoy-Grace Lee hookup
-
Extra Extra
Alice Dixson on working with Marian Rivera: "Magaan siyang katrabaho."
Alice, who is based here for now, and her husband, who is based in Canada, plan to spend Christmas in the U.S. As she puts it, they're separated: "By distance ha, hindi sa puso!"
-
Health and Beauty
Dimples Romana's fuss-free beauty regimen
The Kapamilya actress believes that preparation is the key to fight ageing.
-
Looking Back
Star For All Seasons Vilma Santos looks back at her 50 years in showbiz
Vilma names her most memorable films and favorite leading men.
-
Travels
Derek Ramsay and Angelica Panganiban in South Africa!
Angelica singles out this trip for bringing her and Derek closer.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
Advertisement

