"It's okay naman for me kasi napagdaanan ko na ‘yan. I went to the extremes noong panahon ng Gamitan, Sex Drive, and Hibla. Kumbaga, ‘been there, done that.' Kaya there's no room for insecurity," says Maui Taylor about her Torotot co-star Precious Adona.

Photo: File photo

Totoo kayang nai-insecure na raw si Maui Taylor sa kanyang co-star sa pelikulang Torotot na si Precious Adona?

Pareho kasing may mga maiinit na eksena ang dalawa sa mga leading men nila sa pelikula. Nagpatalbugan nga raw ang dalawa sa pagpapakita ng kanilang mga bonggang assets.

Ayon naman kay Maui, nakikita raw niya ang sarili niya kay Precious noong nagsimula siyang maging isang sex symbol via the movie Gamitan. Wala raw kiyeme si Maui noon kapag sinabing kailangan na niyang magpakita ng boobs o makipag-lovescene sa kanyang mga leading men.

"Game naman ako noon, ‘di ba? As in, kina-career ko noon kasi nga baguhan ako sa pagbida. Alangan namang maging maarte ako, ‘di ba?

"Kaya noong makita ko itong si Precious, aba, palaban din. Wala ring takot na maghubad kasi nga first movie niya ito at kailangan niyang magpakitang-gilas.

"It's okay naman for me kasi napagdaanan ko na ‘yan. I went to the extremes noong panahon ng Gamitan, Sex Drive, and Hibla. Kumbaga, ‘been there, done that.' Kaya there's no room for insecurity."

After five years nga na nawala siya sa bakuran ng Viva Films, pumayag siyang bumalik sa pagpapa-sexy dahil na rin sa magandang istorya ng Torotot na mula pa sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

"Hesitant pa ako talaga noong una, kasi feeling ko ay tapos na ako sa ganyang mga pelikula. But when they said na the movie will be directed by Maryo J. delos Reyes, um-oo na ako.

"Kasi naman, bihira ako madirek ng isang award-winning film director, ‘di ba? Nami-miss ko ang mga styles ng tulad nina Direk Joel Lamangan. And I know how good Direk Maryo is kaya pumayag akong magpa-sexy ulit."

Tatlo nga lang daw ang sex scenes ni Maui sa pelikula samantalang mga lima naman ang kay Precious. Pero kahit konti lang ay matitindi naman daw ang mga pinagawa sa kanya ni Direk Maryo.

"Yung pinakamatindi was the scene with Andrew Schimmer sa loob ng isang veterinary clinic. We did several sexual positions sa isang napakaliit at masikip na clinic. Suppose to be, nag-e-enjoy kami ni Andrew, pero hindi, e. Mahirap ang pinagawa sa amin.

"Iba talaga si Direk Maryo mag-isip ng eksena. Yun nga lang, it has to be cut short by the MTRCB [Movie and Television Ratings and Classifications Board]. Pang-X-rated movie na raw, e. Ang habol namin is to get an R-13 rating para mapalabas kami sa mga SM Cinemas."

Kasama rin sa pelikulang Torotot sina Baron Geisler, Anton Bernardo, at Yul Servo.