Very proud ang young actor na si Baron Geisler sa kanyang pelikulang Jay, na entry niya sa kasalukuyang Cinemalaya (Philippine Independent Film Festival 2008). Ang naturang pelikula ay co-produced mismo ni Baron, with Pasion Para Pelicula Productions, written and directed by Francis Xavier Pasion.
Masasabing isa ang Jay sa pinaka-hit among the 10 full-length feature films sa ika-apat na taong pagtatanghal na ito ng Cinemalaya, na nagsimula noong July 12 at magtatagal hanggang July 19 sa Cultural Center of the Philippines (CCP), Roxas Boulevard, Manila.
Bukod sa Jay, kung saan kasama niya sina Coco Martin at Flor Salanga, ilan pa sa mga sinasabing "blockbusters" in terms of audience attendance sa previous screenings ay ang mga sumusunod: 100 starring Mylene Dizon; Boses, introducing mga bagets na sina Coke Bolipata and Julian Duque; at Concerto nina Meryl Soriano, at Jay Aquitania.
MOST CHALLENGING ROLE. Para kay Baron, ang role niya rito sa Jay ang pinaka-challenging sa buong career niya. Nagsimula siya bilang child actor sa ABS-CBN, kung saan siya literally nag-mature, hanggang sa nakasama siya—at naging kontrobersiyal—sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition last year.
"I play a gay producer-director in this movie, na parang documentary within a film. May TV show kaming nag-i-investigate sa death ng isang tao, katukayo ko sa pelikula, pareho kaming Jay ang pangalan. Kahit na gay ang character ko, may substance naman at disente. It's the most challenging film for me.
"Half of the film is improvisition. Minsan, nagagawa ko ng one take, minsan naman ilang takes. Sa TV, nakaka-take one lang ako. Pero dito, naaasar ako minsan, dahil may body movements ako na nahihirapan ako talaga. Simultaneous kasi na nagdo-docu kami at nagsu-shooting," kuwento ni Baron sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
BEST-ACTOR CONTENDER. Sinasabing pang-Best Actor ang performance ni Baron sa Jay. Siya raw ang matunog na mananalo sa naturang kategorya sa awards night ng Cinemalaya 2008 sa darating na Linggo, July 20, sa CCP Main Theatre.
Maaari raw makalaban ni Baron for Best Actor ang baguhang bagets sa Boses (directed by Ellen Ongkeko-Marfil), Archie Adamos sa Ranchero, at Neil Ryan Sese for Huling Pasada. Nandiyan din sina Christian Vazquez for Namets at Jojit Lorenzo for Baby Angelo.
"Wow, kung yun ang sinasabi ng mga tao, yun lang, masayang-masaya na ako!" bulalas niya. "Alam mo 'yon? Para na akong nasa heaven na marinig ko lang ang mga magagandang feedbacks sa Jay, sarap na ng feeling!"
Abut-abot ang papuri kay Baron nang maglabasan ang mga tao sa gala night ng Jay, gayundin kay Coco who was equally good in the movie.
"Sobrang complex kasi ang character ko dito, na hindi predictable," sabi ni Baron. "Dito ko naintindihan that acting is not basically crying, but you really need to know and understand your character."
Pero sa kabila ng mga papuri kay Baron, hindi pa rin siya nag-e-expect na manalo bilang Best Actor.
"Masarap sabihin, di ba, pero hindi kasi ako nag-e-expect ever since sa mga award, e!" tawa nito. "Kasi nga, 'pag nag-expect ka, ‘tapos you didn't make it, masakit, di ba?
"Basta ang masasabi ko lang, ibinigay ko ang buong puso ko sa movie and to my character. Kumbaga, sweat and blood ang binuhos ko dito. Kaya nga I didn't mind co-producing the film dahil na-in love talaga ako sa script nang dumating sa akin."
From a source, napag-alaman ng PEP na kabilang sa celebrities na nag-audition for the said role ay si Alfred Vargas, among several theater actors.
"The movie will speak for itself, not just my character," saad ni Baron. "Ang lesson na makikita natin dito ay hindi lahat ng ine-expose ng media ay ang katotohanan. I don't want to praise myself or tell you guys na, 'Hey, this is a great film of mine, magaling ako dito!' Bahala na ang mga taong tumingin. Ang masasabi ko lang, you will see a Baron Geisler na puno ng passion sa role niya and I really prepared tremendously for the film."
Nag-workshop si Baron sa first time-direktor nitong si Direk Francis, na galing din sa ABS-CBN as headwriter and producer of Nagmamahal, Kapamilya ni Bernadette Sembrano, bago nito natumbok ang nuances na gustong mangyari ng direktor.
FRONTAL NUDITY. At ang kontrobersiyal na frontal nudity niya?
"Naku, ‘ayan na nga ba ang sinasabi ko, e, hindi ako makakaligtas!" malakas niyang tawa. "Kung napanood niyo naman, it's really needed in the script. Kailangan sa eksena. Maliligo ako at papasok sa banyo, pero may tuwalya namang tapis. Wala namang naliligo nang may damit, di ba?
"Naka-take three ako no'n and talagang pinaliwanag sa akin ng direktor. Ang galing rin ng director of photography namin [Carlo Mendoza] at inalagaan ang ilaw ko. Yung last take, pina-approve sa akin ni Direk, at okey namang lumabas! Pero sabi ko nga, film is supposedly art, and artista ako. Basta sa tingin mo na walang masama sa ginawa mo, then hindi ka dapat matakot."
So, hindi siya nagsisisi sa ginawa niyang pagpapakita ng private part?
"Sabi ko nga, hindi naman dapat maging big deal yun. Sa Hollywood, ang daming gumagawa nun but tastefully done, di ba? At saka yung scene ay hindi babad, kundi mabilis!" tawa ni Baron.
"Wala akong pagsisisi dahil ginawa ko 'yon, dahil kailangan sa scene. Wala namang nawala sa akin, di ba? You will just have to see ang merits ng pelikula sa kabuuan and I'm very proud of the movie!" pagtatapos ni Baron.
Mapapanood pa ang Jay sa CCP sa July 16 (Wednesday) at 3:30 p.m., July 17 (Thursday) at 12:45 and 3:30 p.m., at July 19 (Friday) at 6:15 p.m.
Kasalukuyan ring ginagawa ni Baron ang Eva Fonda, 16 ni Cristine Reyes para sa ABS-CBN at kasama rin siya sa Torotot, isang sexy film mula sa Viva Films co-starring Yul Servo, Maui Taylor, at introducing Precious Adona, directed by Maryo J. de los Reyes.