Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng statement mula kay Joey Aquino ng Fundamental Artist Management bilang reaction sa sinabi ng nanay at bagong manager ni Ryan Julio na inilabas sa PEP last July 10. Matatandaang sinagot ni Mrs. Cecille Julio at Becky Aguila ang naunang statement ni Joey tungkol sa pag-alis ni Ryan sa poder ni Joey. (Click here to read related article.)
In the spirit of fair play, nais din namin bigyan espasyo ang panig ni Joey Aquino. Narito ang kanyang statement:
"Huwag naman sana nilang sabihin na wala akong ginawa para sa career ng kanyang anak. Una, inirekomenda ko siya sa T.E.E.N.S. (ABC-5) noon at nag-guest host pa nga siya. Pero ano ang magagawa ko kung hindi siya nagustuhan ng producer?
"Bukod doon, may mga nirekomenda kaming mga project na sila mismo ang tumanggi dahil busy raw sa pag-aaral anak niya. At yung naman ABC-5 na sinasabi ni Ms. Becky [Aguila]. Mismong nanay niya ang tumanggi dito dahil sabi niya aayusin pa daw muna nila ang release paper ng anak. Kahit na alam ko na may new manager na siya, bago pa kami nagkaayusan, binalewala ko na lang yun. Dahil sa puso nila, alam nila ang katotohanan."
Tungkol naman sa isyu na binayaran ni Ryan Julio ang kontrata nito kapalit ng kanyang release paper, ito naman daw ang tamang proseso. Ang 30 percent commission ay standard provision sa isang talent manager contract. Kung ano ang agreement sa kontrata, yun ang dapat sundin. Kahit hindi dapat sabihin na mukhang-pera ang dating manager ni Ryan.
Yung binanggit na P50,000 per contract year, conservative na amount pa raw ito. Kung mukhang-pera ang dating manager ni Ryan, sana ginawa na lang niyang P200,00 per contract year or mas mataas para ipitin niya ang mag-ina. Pero malaking consideration ang ginawa ni Joey nang matanggap niya ang mga text ni Ryan.
Ito ang text ni Ryan sa dati niyang manager na si Joey noong June 21:
"Tito, gud morning po... gusto ko lang po humingi ng sori sa mga nangyari pati kng meron man kayo sama ng loob sori din po... di ko po sinasadya n di mgparmdam s inyo... cgro nga po ngtampo ako... Pero un lng po un. Sa inyo ako simula kahit kelan nman d ko un kinalimutan. Sa maniwala po kyo o nd"
Kinabukasan, June 22, nag-meeting sila sa UCC Café, Tomas Morato Ave., Q.C., para pag-usapan ang kontrata.
Sinundan pa ito ng isa pang text noong araw ding iyon:
"Tito, pasensya n po kung ttnungin ko po s inyo to. Ano po ba pde ko gwin para masettle yon contract ko at ma release ninyo po ako. Alam ko po ksalanan ko ito... kaya po tito nagmamakaawa po ako s inyo sna masettle ito. Wag nyo po kmi mxdo ipitin dahil wla kmi pera. La ako trbho"
Sa mga nasabing text, mukhang meron na silang ongoing o nasarado nang negosasyon. Kaya siguro nagmadali silang nagpa-release dahil may negosasyon na sila kay Becky. At ang hindi maganda sa ginawa nila ay ang hindi nila pagsasabi ng katotohanan. Sabi nga ni Joey, "Ikatutuwa ko pa ‘yon had I known that he's being managed by Ms. Becky."
Ayon sa kanilang pag-amin, pumirma ng kontrata si Ryan sa bagong manager niya last July 1—ilang araw mula nang ma-release siya noong June 27.
Madaling sabihin na walang problema. Pero ano itong series of text messages na nangyari sa pagitan nina Angel Cruz at ang handler na si Noel noong June 25? Ang takbo ng pagte-text nila ay tungkol sa "kung puwde bang i-book so Ryan sa fiesta sa Cavite noong June 29, 2008.
Narito ang kabuuan ng pagte-text nila:
(from Angel):
Hi po, Angel po to. Sa ofis daw po kayo ni Ms. Becky Agila. Ask ko lang po kung hawak nyo ung talent sa Nescafe TVC. Kasama ng mga alien. Ty (sent: 1043:56 a.m.)
(from Noel):
Hus Angel po? (Received: 10:46:04 a.m.).
(from Angel):
Angel Cruz po. Nakuha ko lang number niyo kay________. Kasama daw po nila ‘yung isang talent ninyo c_______. Nag-eevent po kami. Ty. Ty (sent: 10:54:48)
(from Noel):
Ah ok po. So ano pong maipaglingkod ko sa inyo? (received 10:55:23)
(from Angel):
Puwede po ba cla sa fiesta. Kanta lang cla. Anu nga po name nia? Mr. Pogi sila di ba? (sent: 10:55:23).
(from Noel):
Ryan Julio po. When nd where? (Received: 10:58:52 am.).
(from Angel):
Kayo po ba ang manager? June 28 po, Cavite (Sent : 11:01:28 a.m.).
(from Noel):
Handler po. Ok po magkano po tf? (Received: 11:01:55 a.m.).
(from Angel) :
Di na po kau sumagot. Magkano po tf nila? Kumakanta ba cla? At kyo po ang manager. (sent: 11:21:30 a.m.).
(from Noel):
Opo kumakanta po sya. Handler po niya ako. Magkano po tf? (received: 11:25:18 a.m.).
(from Angel):
5k po ang budget. (Sent:11:26:33 a.m.)
(from Noel):
Last booking po namin sa kanya 10k (Received: 11:27:05).
(from Angel):
Ganun po? Nakakontrata po ba cia sa network kaya po mahal? Ty po. (Sent: 12:19:44);
Sa huling text ni Angel, hindi na sumagot si Noel. At hindi rin niya sinabi kung sino ang manager ni Ryan. Basta malinaw lang na siya ang handler ni Ryan.
Kung
July 2001 pumirma ng kontrata si Ryan sa bagong manager, bakit may handler na
siya bago pa siya i-release ng dating manager? At
puwede bang may handler ang isang talent
kahit di pa siya nakakontrata?