Rufa Mae Quinto joins Filipinos in saving resources due to economic crisis


 
"Ngayon, parang nakakahiya nang gumastos ng sobra. Kasi napapanood ko sa TV na maraming hindi kumakain, maraming nawawalan ng trabaho, at maraming mga bata na hindi nakakapag-aral. Kaya masuwerte ako na may trabaho ako at kumikita ako nang maayos ‘tapos ang pamilya ko ay well-provided naman," says Rufa Mae Quinto.

Rufa Mae Quinto joins Filipinos in saving resources due to economic crisis

Ruel Mendoza

Rating


Sa nararanasang krisis ngayon ng Pilipinas ‘tulad ng pagtaas ng presyo ng gasolina at ng mga pangunahing bilihin, pati ang mga artista ay natututo na ring sumabay sa pagtitipid ng mga karaniwang tao.

 

Kabilang ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto sa natuto nang magtipid. Kahit marami raw siyang kinikita dahil sa sunud-sunod na TV shows, pelikula, at mga out of the country shows, alam daw niya kung ano ang situwasyon ng bansa ngayon kaya gusto niyang makiisa sa pagtitipid.

 

"Inaamin ko na dati grabe akong gumastos," panimula ni Rufa Mae sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "As in, super kung mag-shopping ako. Reason ko naman kasi, nagtrabaho ako nang bonggang-bongga kaya gagastos ako nang bonggang-bongga rin.

 

"Pero ngayon, parang nakakahiya nang gumastos ng sobra. Kasi napapanood ko sa TV na maraming hindi kumakain, maraming nawawalan ng trabaho, at maraming mga bata na hindi nakakapag-aral. Kaya masuwerte ako na may trabaho ako at kumikita ako nang maayos ‘tapos ang pamilya ko ay well-provided naman.

 

"Kaya sinimulan ko na ang maging matipid. Nililista ko na ngayon ang mga naging gastos ko sa isang linggo at isang buwan. Para alam ko kung saan pumupunta ang kinikita ko, di ba? Mahirap na yung labas ako nang labas ng pera, ‘tapos hindi ko alam saan ko nagastos.

 

"Sabihin na nila na nagiging kuripot na ako, pero yun naman yata ang dapat ngayon. Hindi porke't malaki ang kinikita ko, magiging pabulosa ako. Hindi nila alam na kapag malaki ang kita, malaki rin ang gastos," pahayag ni Rufa Mae nang makausap siya ng PEP sa presscon ng I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You).

 

Sinimulan na nga ni Rufa Mae ang pagtitipid sa kanyang bahay. Kung dati raw ay tatlong aircon ang umaandar, ngayon ay isa na lang daw. Pati na ang paggu-grocery ay nililista na niya para hindi doble-doble ang nabibili.

 

"Isang aircon na lang ang ginagamit namin. Lahat kami nasa kuwarto ko para yung aircon ko lang ang umaandar. Nagsisiksikan kami sa kuwarto ko para one aircon lang, di ba? Mataas na kasi ang kuryente. Ayokong mapunta lang sa kuryente ang mga kinikita ko sa raket.

 

"E, di ba, may opisina pa ako sa bahay? Kapag wala rin lang tao, patay ang aircon ng office. ‘Tsaka pinapatanggal ko sa saksakan lahat ng mga hindi ginagamit na mga appliances.

 

"Sa groceries kasi noon, kuha lang ako nang kuha. Wala akong care sa presyo. Ngayon, talagang mabusisi na ako. Kung hindi rin lang kailangan, hindi ko bibilihin. ‘Tsaka nagku-compare na ako ng prices. Doon ako sa mas mababa, pero okey naman. Kailangan nating maging aware kasi mahal na lahat ng bilihin," lahad niya.

 

Sa kotse naman ni Rufa Mae ay diesel na ang gasolinang gamit niya para mas tipid daw.

 

"Bago pa tumaas yung gasoline, nagpalit na ako ng sasakyan. Nag-change ako sa diesel tank. Mas matipid kasi kumpara sa gasoline. ‘Tsaka ngayon, isang sasakyan lang ang gamit ko sa mga lakad ko. Dati kasi iba-iba, ngayon relax muna yung iba at isa lang ang gamit ko para matipid."

 

Nabanggit din ni Rufa Mae na nagbebenta na siya ng ibang designer bags at shoes niya. Para mabawasan at pagkakitaan niya raw ang mga ito kahit second hand na.

 

"Sa mga close friends ko lang naman inaalok. May mga bags at shoes kasi ako na minsan ko lang nagamit. Yung iba, bihira kong magamit kaya ibenta ko na lang kesa nakatengga sila doon. Kahit second hand, kikita pa rin ako kahit papa'no, di ba? Pagiging praktikal lang ‘yan ngayon," saad ni Rufa Mae.

 

Kasalukuyang tinatapos ni Rufa Mae ang pelikulang Single para sa Viva Films kung saan co-producer siya under her On-Q 28 Productions.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement