news

Maui Taylor opens up about two-year relationship with non-showbiz boyfriend

by Nora Calderon posted on August 6, 2008  STATS: 559 Views | 0 Comments

 

"Okay siya sa mommy ko. Naging open ako sa kanya sa nature ng trabaho ko, wala rin akong inilihim tungkol sa sarili ko, alam niya ang lahat. Kahit ‘yong sa amin ni Bryan [Revilla, Maui's ex-boyfriend] noon, sinabi ko sa kanya at naintindihan niya ako. Mabait siya and very understanding," says Maui Taylor about her boyfriend, Kent Lim.

Photo By: Courtesy of Viva Films

Kasama ang sexy actress na si Maui Taylor sa bagong pelikula ng Viva Films, ang Torotot na idinirek ni Maryo J. de los Reyes. Bagamat nagkaroon na ng press preview ang Torotot, hindi pina-attend ang mga bida ng pelikula na kinabibilangan din nina Yul Servo, Baron Geisler, Anton Bernardo, Andrew Schimmer, at introducing Precious Adona.

Ayon kay Maui, sa special screening ng Torotot sa UP Film Institute sa August 9 pa lang niya mapapanood ang kabuuan ng pelikula.

"Ang mga napanood ko pa lang, ‘yong mga parts which I dubbed. Maganda po naman ang natatanggap naming review and happy ako nang malaman kong isasali pala ito sa Brussels International Independent Film Festival [BIIFF]. Ang sarap sanang sumama, pero sina Direk Maryo at Yul lang ang invited. Si Yul daw po kasi, dalawang movies ang competing for the festival, ito and Brutus. Sana po ay manalo ang movie namin," asam ni Maui nang makausap siya ng PEP sa presscon ng Torotot noong Lunes, August 4, sa Jay J's Steak House along Timog Avenue, Quezon City.

May nagsabing marami raw pinutol sa mga sexy scenes ni Maui sa Torotot para mabigyan ang movie ng R-13 classification. Totoo ba ito?

"Hindi naman daw po," sagot niya. "Sabi ng Viva, halos wala namang naputol, kaya po talagang R-13 ang classification nito at puwedeng ipalabas sa SM Cinemas. Kung hindi raw po binigyan ng ganoong classification, magrereklamo talaga si Direk Maryo."

May isa pang intriga, na support lang daw siya sa movie ni Precious. Ano ang masasabi ni Maui rito?

"No, hindi naman po totoo ‘yon, kasi equal lang ang role namin ni Precious. ‘Tulad din po ito noong movie ko noon sa Viva Films with Rica Peralejo [Hibla] and Katya Santos [Sex Drive]. Equal po ang bawat character na ginampanan namin."

Kumusta naman sila ni Baron, na humalik sa kanya nang dumating sa presscon. May sakitan nga bang nangyari sa kanila during the shooting?

"Okay po kami, nothing negative," sabi ni Maui. "Wala naman po talagang sakitan. Yung lang sa eksena kung minsan, nanggigigil siya na hawak ang mga braso ko, medyo napapahigpit ang hawak niya. Doon lang medyo ako nasaktan. Pero acting lang po ‘yon, hindi personal."

After Torotot, may next project na ba Maui?

"Actually, natapos ko na po ‘yong Teach Me To Love, isang sexy drama with Tonton Gutierrez, Jackie Aquino, and directed by Eddie Romero. Ipinalabas po ito sa Cinemalaya last month. May dalawa pong script na ibinigay sa akin para basahin, ang Saplot at Aurora B. Kindi ko pa lang tapos basahin para i-decide kung alin doon ang gagawin ko."

Idinagdag ni Maui na nag-guest din siya sa bagong show sa TV 5 (dating ABC-5), ang Midnight DJ, horror-suspense show ito hosted by Paolo Contis and Desiree del Valle. Magpa-pilot na ito sa Monday, August 11.

STILL WITH KENT. Kumusta naman ang love life niya? Sila pa rin ba ng sinasabi niyang non-showbiz boyfriend niya?

"Yes po, kami pa rin ni Kent," pagkumpirma niya. "Almost two years na rin kami. He's an architect, older than me, he is 31."

Ibinigay naman ni Maui ang surname ni Kent na Lim. Alam ba ni Kent ang tungkol sa mga pelikulang ginagawa niya, particularly ang Torotot?

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

0 Comment

  • No comments yet.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About