Ateneo Blue Eagles star player Chris Tiu will host Ripley's Believe It Or Not in GMA-7, in addition to Pinoy Records which he co-hosts with Manny Pacquiao.

Photo: Courtesy of GMA-7

Hanggang August 15 na lang ang Kung Ako Ikaw, ang comedy-reality show ng GMA-7 na hinu-host nina Joey Marquez at Keempee de Leon. Simula sa August 18, iba't ibang shows na ang papalit sa timeslot na iiwan ng Kung Ako Ikaw.

Magpa-pilot na rin agad sa August 18, Monday, ang Ripley's Believe it Or Not to be hosted by Chris Tiu. Sa August 19, Tuesday, ang simula ng World Records to hosted by Paolo Contis. Magpa-pilot naman sa August 20, Wednesday, ang Masquerade to be hosted by Ariel & Maverick.

Tuwang-tuwa ang fans ng basketeer turned TV host na si Chris Tiu dahil sa dalawang shows na siya mapapanood. Tuloy pa rin ang Pinoy Records nila ni Manny Pacquiao na every Saturday naman ang airing sa GMA-7 din.

Kung may enough time lang si Chris, mas marami pa siyang TV shows. May offer sa kanya ang TV5 at Studio 23, pero hindi niya natanggap sa kakulangan ng oras. Nalula nga ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa litanya ng manager ng binata at kapwa niya Atenean na si Noel Ferrer kung saan busy ang kanyang talent.

Bukod sa TV, star athelete ito at team captain pa ng Blue Eagles ng Ateneo de Manila, na number one sa ranking sa ongoing UAAP. Honor student, successful entrepreneur, at barangay kagawad din si Chris.

No wonder, very proud kay Chris ang pamilya at mga kaibigan. Balak din niyang magtayo ng foundation para magkaroon ng scholars.

Walang balak sa ngayong mag-artista si Chris dahil hindi raw niya kaya ang maghintay sa shooting at taping. Bagay sana sa kanya ang role ng isa sa two leading men ng isang upcoming movie project na pagbibidahan ni Rhian Ramos. Kaso, ayaw raw talagang mag-artista ni Chris.

RETURN OF TWO SHOWS. Samantala, kasama rin sa mga aabangang shows sa GMA-7 ang pagbabalik ng Tok! Tok! Tok! Isang Milyon Pasok. Si Paolo Bediones pa rin ang host nito kasama ang SexBomb.

Sa August 24, Sunday, na ang pilot nito at mas matitinding challenges ang haharapin ng magiging contestants at baka pati bayawak ay kainin na! Habang wala pa ang Survivor Philippines na sa September pa eere, sa Tok! Tok! Tok! muna mapapanood si Paolo.

Ang Season 2 ng Celebrity Duets naman ang papalit sa Pinoy Idol, na magtatapos na sa August 17. Sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid pa rin ang hosts nito.

Gaya sa Season 1, may iba't ibang trabaho rin ang napiling maging contestants sa Celebrity Duets 2. Hindi pa final ang listahan ng celebrities na sasali, pero pasok na ang isang controversial at sikat na beauty queen at isang magaling na designer. Isang editor ng glossy magazine ang hanggang ngayon ay kinukumbinseng sumali.

Sa beauty queen pa lang, siguradong solb na ang panonood ng mga viewers sa Celebrity Duets. Siguradong hindi lang music, kundi laughter ang ibibigay nito sa mga manonood.