"Pinoy Idol" Top 3 prepare for the finals night

Nora Calderon
Monday, August 11, 2008 @ 10:15AM  |  12856 views

 

(From left) Jayann Bautista, Ram Chaves, and Gretchen Espina are expected to give their all on the finals night of Pinoy Idol, August 16.

Photo By: Noel Orsal













"Bukod po sa family ko, ang mga fans po na sumuporta sa akin. I won't let them down," nakangiting sabi ni Jayann.

GRETCHEN ESPINA. Natulala naman for a while si Gretchen nang mai-announce na she belongs to the top three. Kinausap na nga siya ni Jayann sa stage, pero hindi niya ito sinagot.

Ano ba ang naging feeling ni Gretchen dahil ilang beses ni-retouch ng makeup artist nila ang kanyang makeup dahil iyak na siya nang iyak hindi pa man nagsisimula ang elimination night.

"Overwhelmed po ako, talagang kapag nasa stage ako, kinakabahan na ako," sabi ni Gretchen. "Siguro po dahil din nang tanungin ang mga judges, hindi po ako kasama sa three choices nila, na-sad na ako. Since day one po kasi ng contest, I'm hoping na makakasama ako sa top finalists, kaya po nang tawagin ni Raymond ang name ko, nabigla ako, hindi ako makapaniwala. But I'm very thankful."

Paano niya paghahandaan ang finals sa August 16? Sa palagay niya, sino ang malakas niyang makakalaban?

"I want to regain my voice dahil medyo nasira ito nang lagi akong nagkakasakit. Siguro po dahil sa pressure, kaya sige ako ng vocalizing.

"Although kahit sino sa aming tatlo ay deserving manalo, kailangan ko rin pong magpakita ng bago para ako manalo at hindi ko bibiguin ang family ko, friends, ang GMA Network na nagtiwala sa akin, kayo pong mga writers at ang mga fans. Saka hindi po siguro dapat akong maging iyakin sa finals, I should use my emotion in the right place, para po hindi masira ang pagkanta ko.

"Si Ram po ang alam kong magiging mahigpit kong kalaban kasi napaka-powerful ng voice niya. Very close naman kami ni Jayann dahil since day one sa Linden Suites, kung saan kami nag-stay sa duration ng contest, roommates na kami. Ang favorite mentor ko po na song niya ang isa sa kakantahin ko, si Jaya," lahad ni Gretchen.

Idinenay naman ni Gretchen na bumili sila ng boto para makapasok siya sa Top 3.

RAM CHAVES. Hindi naasahan ni Ram na siya ang kabilang sa Top 3. Si Daryl ang inakala niyang tatawagin ni Raymond nang silang dalawa na lang ang natira dahil aminado si Ram na mas maganda ang performance ni Daryl last Saturday.

"Although isa ako sa choices ng mga judges, hindi po ako naka-react agad nang sabihin ni Raymond na ako ang kabilang sa Top 3 at hindi si Daryl," sabi ni Ram. "Kaya po labis-labis ang pasasalamat ko sa hawak kong statuette ng Sacred Heart of Jesus at ni St. Jude, na laging nasa pocket ko kapag nagpi-perform ako, nang ako ang mapili.

"Kaya po binigyan ko na lang ng unsolicited advice si Daryl na hindi ‘yon ang katapusan ng lahat, kundi it is just the beginning dahil alam kong hindi naman kami pababayaan ng GMA Network pagkatapos ng contest."

Ano ba ang paghahanda niya bago mag-start ang performance nila? Lagi ba niyang sinasabing mananalo siya o maliligtas sa elimination?

"Bago po mag-start ang performance, lagi ko lamang sinasabi, ‘Jesus, help me.' At simula po noong mag-stay na kami sa Linden Suites, every morning po, nilalakad ko mula roon hanggang sa EDSA Shrine, bale 30 minutes walk po ‘yon, papunta doon at pabalik sa hotel.

"Lagi lang po akong nagpapasalamat. Ang prayer ko, ‘Thank you for another day of my life, of music and everything I need in life. ‘ At nagpapasalamat din po ako sa family ko. Isang inspiration sa akin ang pag-uwi ng daddy ko from Dubai para masuportahan ako, ang mga kaibigan, fans at kayo po na tumutulong sa amin."

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name