"I am happy of what is happening right now. I'll be forever grateful and thankful to GMA because even if I'm not an exclusive artist of the station, they supported me through the years that I'm with them," says Alessandra de Rossi about her decision to accept an offer from ABS-CBN.

Photo: Noel Orsal

Pagkatapos hindi tanggapin ni Alessandra de Rossi ang offer ng GMA-7 to be part of the upcoming primetime soap La Lola starring JC de Vera and Rhian Ramos para hindi na magkaroon ng panibagong gulo sa pagitan nila ni Rhian, kinumpirma ng handler ni Alex sa DMV Entertainment na tinanggap na ng award-winning young actress ang offer ng ABS-CBN to be part of I Love Betty La Fea, an upcoming primetime series starring Bea Alonzo.

 

"The ABS offer is a perfect timing," sabi ni Alex through a prepared text message sent by her handler Beth delos Reyes. "I am happy of what is happening right now. I'll be forever grateful and thankful to GMA because even if I'm not an exclusive artist of the station, they supported me through the years that I'm with them."

 

Hindi tinanggap ni Alex ang kontrabida role sa La Lola kahit maganda at challenging ito. Nagkaroon ng gulo sa pagitan nina Alex at Rhian noon sa taping ng isang aborted show ng GMA-7 na L.U.V. Pow, kung saan naibato ni Alex ang cell phone niya in frustration after pagsabihan siya ni Rhian, "Be professional," dahil nag-miss ng cue sa dialogue si Alex.

 

May special role na gagampanan si Alex sa I Love Betty La Fea nguni't na-excite ang young actress sa package ng ABS-CBN.

 

"Na-excite ako sa gagawin ko sa ABS-CBN. I'll be doing a special role in Betty La Fea, then after that, I will have a soap na isa ako sa mga lead. My spirit is very high right now and I know I'm on the right track," pahayag ng nakababatang kapatid ni Assunta de Rossi.

 

Kasalukuyang nagte-taping si Alex for the second book of the Chick-lit series in TV5 na No Boyfriend Since Birth. She co-stars with Jomari Yllana and Joross Gamboa under the direction of Manny Palo, na siyang pumalit kay Mark Reyes after finishing the pilot month-long episode na Have Baby Will Date starring Valerie Concepcion.

 

Ang huling regular show ni Alex sa GMA-7 ay ang Kamandag na pinagbidahan ni Richard Gutierrez.