"Naiintindihan ko naman siya, sa simula't simula pa lang, kuya na talaga ang tingin niya at ‘kuya' ang tawag niya sa akin. Nasa akin na talaga kung itutuloy ko ba o hindi pero ako hanggang sa i-allow ako ni Sarah na maging parte ng buhay niya, na ligawan ko siya, itutuloy ko. Kaya lang sa ngayon, ayokong madaliin ang lahat. Hindi naman biru-biro ang mga gagawin ko," says Mark Bautista. Photo: Noel B. Orsal

Kung noong una ay ayaw pang pangalanan ni Sarah Geronimo kung sino ang sinasabi niyang kapwa singer sa ASAP '08 na nanligaw sa kanya at binasted, mismong si Mark Bautista na ang umamin na siya pala ang tinutukoy ng Pop Princess.

 

Sa mismong bibig ni Sarah, sinabi nitong "kuya" lang ang turing niya kay Mark. Bukod pa raw sa hindi pa talaga handang pumasok sa pakikipagrelasyon ang Viva singer.

 

RESPECT FOR SARAH. Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mark ay nagbigay-pahayag naman sa amin ang binatang singer na nirerespeto niya ang desisyon ni Sarah pero hindi ito nangangahulugan na igi-give up na niya ang nararamdaman para sa singer-actress.

 

"Naiintindihan ko naman siya, sa simula't simula pa lang, kuya na talaga ang tingin niya at ‘kuya' ang tawag niya sa akin. Nasa akin na talaga kung itutuloy ko ba o hindi pero ako hanggang sa i-allow ako ni Sarah na maging parte ng buhay niya, na ligawan ko siya, itutuloy ko. Kaya lang sa ngayon, ayokong madaliin ang lahat. Hindi naman biru-biro ang mga gagawin ko. Di siya tulad ng iba diyan. Kay Sarah dapat seryoso ka talaga."

 

Maging si Sarah ay nagulat nang umamin si Mark. Para kay Mark kasi ay hindi naman daw dapat dine-deny ang isang bagay na totoo.

 

"Alam ni Sarah na sobrang ina-admire ko siya. Before pa ako tinanong tungkol diyan, sinabi ko sa kanya na sumagot lang ako sa isyu."

 

Kinumpirma naman ni Mark na nagkaroon nga sila ng ilangan ni Sarah, tulad ng naisulat na. Ang maganda lang ay kusa itong naayos at ngayon ay mas naging maganda ang samahan nila ng singer-actress.

 

"May time lang na di kami nagkakausap, nagkakailangan. For some reasons na di ko alam kung bakit, di ko rin naman siya matanong kung bakit. After nung ilang weeks na ganun tapos biglang okey na. ‘Pag kinakausap ko siya, sumasagot na siya, dati naiilang siya pero ngayon hindi na. Ngayon mas okey na, mas open kami at mas naging close kami."

 

NOT AN ISSUE. Certified blockbuster na ang A Very Special Love na balitang mahigit 100 million na ang kinikita sa takilya. Sa relasyon kung saan mas sikat ang babae sa isang lalake ay kadalasang nagiging issue ang insecurities sa side ng lalake. Sa anggulong ito ay siniguro sa amin ni Mark na hindi magiging isyu sa kanya kung maging mas sikat man sa kanya ang magiging karelasyon.

 

"Hindi issue sa akin ‘yan. Sobrang happy ako na naging successful yung movie nina Sarah and John Lloyd [Cruz], kasi alam ko kung gaano niya pinaghirapan, kung gaano niya pinagdasal yun na maging successful talaga, at naging maganda naman talaga ang outcome nung movie.

 

"Kanya-kanyang lugar ‘yan sa show business, at natutuwa ako na nandun na siya. Actualy nandun nga ako sa premiere night ng A Very Special Love, nanood kami, nag-usap kami about the movie, I congratulated her."

 

THREATENED BY RONNIE? Naging vocal din si Ronnie Liang sa nararamdaman niya para kay Sarah at balitang in his own way ay gumagawa rin ng move for Sarah. Sa tanong namin kung threatened ba siya na may mahigpit siyang karibal kay Sarah, umamin naman sa amin si Mark.

 

"Siyempre may kaunting ganung feeling. Nung nalaman ko ang tungkol dun, ang initial reaction ko was...‘wow, talaga?' Pero na-realize ko, di ko hawak yung desisyon ni Sarah, di ko siya puwedeng pigilan na maka-meet at makipag-close sa iba, dahil di ko naman siya girlfriend, di naman kami. Kumbaga wala naman akong rights."

 

Tatlong pelikula ang nakalinyang gawin ni Mark ngayong taon na ito, ang Baler na MMFF entry ng Viva, ang Sundo ng GMA Films with Robin Padilla at ang Singles with Rufa Mae Quinto, kung saan isa siya sa leading men. Out na rin sa market ang bagong album ni Mark titled I'll Be The One, all originals, with the carrier single "Eternally."