First time na nasaksihan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang singer-comedian si Ogie Alcasid na lost for words. Gustuhin mang sagutin ang mga tanong tungkol sa estado ng annulment para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Michelle Van Eimeren, hindi raw puwede.
"Matagal na ‘yang annulment. Actually, you know what, I really can't comment on it, e. Honestly, much as I would like, I can't. I'm being prevented by everybody to talk about it," saad niya.
Pati ang tanong kung itinaon niya sa nalalapit na pagdating ni Michelle at ng kanilang dalawang anak sa Pilipinas ang pagpa-file niya ng annulment, wala pa ring nakuhang sagot mula kay Ogie.
"Hindi talaga puwedeng pag-usapan, pero walang kinalaman sa case ang pagdating niya. They're coming to watch my concert."
Humirit pa ang nakapaligid na entertainment press sa kanya kung hindi ba niya alam na babalik ang tsismis sa kanila nina Michelle at ng kasintahan ngayon ni Ogie na si Regine Velasquez kapag sinimulan ang hearing ng kaso?
"I really can't answer kahit gusto ko. Sasabihin ko na lang kay Michelle."
Bakit natagal ang pagpa-file niya ng annulment case?
"I can't answer, I'm on a gag order!" tawa niya.
Susunod na ba rito ang kasal nila ni Regine?
"I still can't talk about it."
Finally, nag-give up na rin ang press nang maramdamang wala talaga silang makukuhang comment kay Ogie regarding the annulment case.
WORKAHOLIC. Ang next na pinuna ng press ay ang sobrang sipag ni Ogie sa trabaho. Katatapos lang ng Pinoy Idol, pero sa Friday (August 22), sasalang na naman sila ni Regine sa taping ng pilot episode ng Celebrity Duets na sila ang hosts. Baka hindi niya nararamdaman, pero wala siyang pahinga.
"Marami kasi akong pamilya," biro niya. "Once a week lang naman ang taping nito, saka enjoy ang show na ito, abangan ninyo."
Is Regine part of his family?
"Of course!"





